AJ POV
Nakaligo na ko ng maisipan kong tawagan si Alex para tanungin kung naka ready na ba siya para masundo ko na siya. Masaya talaga ko ng pumayag siyang sabay na kaming pumunta sa airport dahil matagal na kaming di nakakapag usap.
Tinawagan ko na siya at pagkatapos ng tatlong ring sinagot na niya ito.
[Hello?]
[Hello Alex, naka ready ka na ba?]
[Ah oo. Kanina pa.]
[Ah sige. Papunta na ko.]
[Ok. Ingat.] napangiti na lang ako pagkatapos ko siya makausap. Bumaba na ko at kinuha ang susi ng kotse ko atsaka pumunta kila Alex.
Naka rating agad ako kaya naman nag doorbell na agad ako. Lumabas na si Alex habang pinapakita ang kanyan sweet smile. Nalaglag na ata puso ko. Shet! Ambading ko!
"Hi." sabi niya habang naka ngiti pa din.
"Hello. Natagalan ka ba?"
"Naku! hindi. Sakto lang naman."
"Ah ganun ba? tara na! baka ma-late na tayo."
"Ok." pinagbuksan ko siya ng pinto. Syempre dapat gentleman dagdag points yun!! Umikot ako para maka sakay na din.
(Sa Airport)
Naglalakad na kami papasok ni Alex ng maka salubong namin sila Shaznae.
"Tae! Ang tagal niyo!" sabi ni Shaz na naglalakad papasok habang sinusundan namin.
"Gagi. Tama lang naman dating namin eh." sabi ko.
"Kanina pa kaya kami dito." -Jake
"Sino ba nagsabing pumunta kayo agad ng maaga?" -Alex
"Boom Paness!" pang aasar nila Rovee at Allison kay Jake. Grabe talaga tong si Alex mambara.
"Che! wag mo kong kausapin!" sabi ni Jake kay Alex umirap pa. Para silang mga bata.
"Che ka din! nga pala, Si Francis?" pagiiba ng topic ni Alex.
"Wala diba?! nakikita mo ba?!" mukhang bumabawi tong si Jake ah. Natatawa na lang kami sakanila.
"Ikaw ba ang tinatanong ko?"
"Ikaw din ba kinakausap ko?" mataray na sabi ni Jake. Para siyang bakla pero nakaka siguro naman kaming hindi.
"Letse. Asan nga?" napipikon na tong si Alex. Maski ako dahil bakit pa niya kailangan hanapin yun?
"He's not here. Pumunta daw sila ng Family niya sa Batangas." maayos na sabi ni Martha. Bumalik kami sa pagiging seryoso dahil oras na ng pag alis ni Jester lahat kami malungkot. Sino ba naman ang magiging masaya kapag makukulangan ng isa ang barkada diba?
"Bye Jester mami-miss ka namin." halatang pa iyak na si Rovee habang nagsasalita.
"Mag ingat ka dun ah? bumalik ka!" - Shaznae
"Kailangan mo ba talaga umalis? wag na. Inom na lang tayo. Libre ko pa!" -Jake
"Oo nga! wag na. tara na mag inom na lang tayo. Dito ka na lang!" - Rina
"Kung pwede lang diba? tsaka ngayon lang manlilibre tong si Jake dapat di ko mapalakpas yun kaso di talaga pwede eh." malungkot na sabi ni Jester. Wala na talaga kami magawa dahil mama na niya ang nag sabi kaya kahit ayaw niya di talaga pwede.
"Pre, Ingat na lang." sabi ko tsaka nag man hug kami.
"Ingat ha? tumawag ka samin pag may problema. Andito lang kami." sabi ni Rovee tsaka yumakap kay Jester.
"Salamat Rovee ah. Pero sana wag masyado mahigpit yung yakap mo kasi di na ko maka hinga." sabi ni Jester na ikinatawa ng buong barkada. Nagawa pa niyang magbiro sa pagkakataon na to na lahat kami paiyak na.
"Baliw ka talaga. Basta Jester ah, pag may problema ka. tawagan mo lang ako, kung kailangan ko pang lumipad papuntang Canada gagawin ko masamahan ka lang. Mami-miss kita. Sobra! Alam mo naman na ikaw ang little brother namin diba? kaya mag ingat ka." sabi ni Alex na di na mapigilan ang pag iyak. Baby Brother kasi ang turing sakanya ni Alex dahil baby face siya at pinaka bata sa barkada.
"Tama na yan! MMK na eh!" pang aasar ni Shaz at Jake. Tinitigan sila ng masama ni Alex kaya naman tinakpan nila ang bibig nila.
"Oh pano ba yan, baka maiwanan na ko ng eroplano kaya sige na. Mamimiss ko kayong lahat. Chat chat na lang ha?" kumaway na lang kami kay Jester na pa alis na. Nang naka alis na si Jester sama sama kaming lumabas ng airport. Nagka yayaan na pumunta sa SC kaya lang umayaw si Alex.
"Sorry guys, I'm not feeling well kasi. Next time na lang."
"Sige. We understand. halata naman sa itsura mo oh? namumutla ka. Pa hatid ka na kay Aj baka ano pa mang yari sayo dyan sa daan." alalang sabi ni Martha.
"No need. I can manage."
"No. Mag pahatid ka na. Look at you! your so pale! what happen ba?" sabi ni Rovee tsaka lumapit kay Alex para tignan kung nilalagnat siya."My god! Ang inet mo! dadalin ka na namin sa hospital!" tsaka niya hinatak pero di pumayag si Alex.
"No. Sa bahay na lang, kulang lang to sa pahinga. Sige na guys, I'll go ahead." pag saway ni Alex pero di siya umubra samin kaya in the end, hinatid ko siya sa bahay nila.
Nakarating kami sa bahay nila ng tulog lang siya. Ayaw ko sana siya gisingin pero nagising siya agad.
"Salamat. Sorry sa istorbo."
"Ano ka ba? It's ok. Pag pahinga ka na ha? mag pagaling ka."
"Opo. Sige pasok na ko."
"Hatid na kita."
"Wag na. Baka hinihintay ka na nila dun."
"Osige. Mag pahinga ka na ah? Bye." Nginitian na lang niya ko tsaka siya bumaba ng kotse ko at pumasok agad sa bahay nila.
Di na ko sumunod sa SC nag text na lang ako sakanila na magpapahinga na ko. Dumiretso ko sa bahay para makapag pahinga na din.
--
--
--
--
------
Hello Readers ;)) Pasensya na sa UD ko ngayon. walang kwenta. Malungkot ang author niyo eh XD nasawi! choss! osiya, sana patuloy pa din suportahan ;)) Please share and vote ;)) comment na din po kayo ;)) salamat ;))
BINABASA MO ANG
Searching For My Forever (Ongoing)
RomanceAno ba ang pagmamahal? Yun bang pina-iyak ka na, pinatawad mo pa? Yun bang binalewala ka na, hinahanap-hanap mo pa? Yun bang nagmahal na ng iba minamahal mo pa? O yun bang kinalimutan ka na umaasa ka pa??