AJ POV
Nagising ako dahil sa tumutunog kong cellphone. Agad ko tong tinignan pero nawala yung tumatawag siguro dahil sa tagal kong sumagot kaya pinatay na.
Tumingin ako sa orasan na nasa side table ko para tignan kung anong oras na 7 o'clock na, may dalawang oras din akong natulog. Patayo na sana ako ng kama upang mag hilamos ng tumunog ang cellphone ko, si Rovee ang tumatawag? ano naman kaya ang kailangan ng babaeng to? sinagot ko na lang ito para malaman ang sagot sa tanong ko.
[Taena! bakit ngayon ka lang sumagot?] yan agad ang narinig ko ng sinagot ko yung tawag. Oo hindi talaga uso samin ang mag hello. Halata naman diba?
"Pasensya na. Kagigising ko lang kasi. Ano ba kailangan mo?"
[Next time nga bumili ka ng cellphone na may kuryente at i-connect mo sa katawan mo para pag may tumatawag sayo alam mo. Letse to.]
"Sorry na nga diba? ano ba problema mo?"
[Papatingin ko kasi sayo si Alex kasi kinabahan ako bigla ng makita ko yung post ng ate niya sa Fb na nasa hospital daw siya.] kinabahan ako bigla. Nung hinatid ko kasi siya kanina mukhang matamlay na talaga siya. Kailangan ko siyang puntahan. baka ano na nangyari dun.
"Ha? Ano! Anong nangyari?"
[OA lang?! Tsaka mukha bang alam ko?! kaya nga ako tumawag sayo diba? stupid!] At ang nakaka bwiset pa nambabara pa tong kaibigan ko kahit alam niyang seryoso at sobrang nag aalala na ko. Buti na lang talaga di ako pumapatol sa babae at di ko nakakalimutang barkada ko siya.
"Boset! sige na pupunta na ko sakanila baka mamaya ano na nangyari dun."
[Ok sige. Hoy Hito, Balitaan mo ko ha. Mag ingat ka! tanga ka pa naman.] taena talaga! nasabihan pa talaga kong tanga ha! wow! just wow!
"Oo na! Bye na!" binaba ko na yung cellphone ko at nag madali pumunta sa banyo. Kahit na sobrang nag aalala ako kailangan kong maligo dahil amoy araw ako. Baka mamaya ako pa maging dahilan ng pag lala ng sakit ni Alex.
Nang matapos na ko mag ayos, bumaba ako ng kwarto at nag madali lumabas ng bahay pero hinabol ako ni Ate.
"Hoy Aj, San ka pupunta? anong oras na ah! Di ka manlang mag papaalam! di ka pa nga kumakain eh!" bulyaw sakin ni Ate. Bwiset lang diba? kung kelan nagmamadali ka na!
"Ate, I'm sorry. Kailangan ko lang puntahan si Alex dahil na ospital daw siya. Nag aalala ako."
"Oh I see. Di mo naman sinabi agad! Sige na, go na. Balitaan mo ko ah." nang marinig ng ate ko yun siya pa mismo ang tumulak sakin pasakay ng kotse ko. Timang lang diba? botong boto kasi kay Alex.
Sumakay na ko ng kotse ko at dumiretso sa bahay nila Alex. Buti na lang at walang traffic at nakarating agad ako.
Pagka dating ko bumaba agad ako at nag doorbell pero walang lumalabas. Nag doorbell pa ko ng dalawang beses, may nag bukas ng gate.
"Sino po sila?" tanong ng maid na lumabas.
"Andyan po ba si Alex?" tanong ko sakanya. Di ko na sinagot yung tanong niya, masyado akong nagmamadali para i-entertain pa siya bastos na kung bastos pero alalang alala na ko kay Alex.
"Ah eh, wala po siya dito. Sinugod po siya kanina sa ospital dahil nawalan daw ho siya ng malay." nawalan ng malay? anong nangyari? Ang lakas ng tibok ng puso ko.
BINABASA MO ANG
Searching For My Forever (Ongoing)
RomanceAno ba ang pagmamahal? Yun bang pina-iyak ka na, pinatawad mo pa? Yun bang binalewala ka na, hinahanap-hanap mo pa? Yun bang nagmahal na ng iba minamahal mo pa? O yun bang kinalimutan ka na umaasa ka pa??