AJ POVSabay ulit kami kumain ng TP kanina sa canteen. Masaya naman kaso kulang kami dahil hanggang ngayon di pa din pumapasok si Francis, lahat kami nag aalala na sakanya. Sinusubukan kong pumunta sa bahay nila kaso lagi siyang wala at mga maids lang ang nandun.
Binilan ko si Alex ng pagkain dahil may pagkatamad din yung babaeng yun. Kunwari pa siyang ayaw niya ibigay yung pera niya pero alam ko deep inside ang saya nun dahil di na siya pipila pa. Loka loka talaga yun eh!
Bumili ako ng pagkain naming dalawa tsaka bumalik sa table namin para kumain na. Tumabi ako kay alex matapos kong ibigay yung pagkain niya. Tinitigan ako ng nakakaloko nila Jester at Jake pero di ko na lang siya pinansin. Mga loko talaga sila. Tinanong ko si Alex kung pwede niya ko tulungan sa assignment namin sa Electives dahil hindi talaga ko nakikinig pag yun ang subject. pinapasakit lang nun ang ulo ko. Pumayag naman siya kaya nilubos-lubos ko na, nagpaturo na din ako nung mga tinuro kanina habang natutulog ako. Tamad na kung tamad pero talagang di ko gusto ang subject na yun!
Uwian na namin kaya agad kong inayos ang mga gamit ko para mailagay sa locker ko. Nauna ng lumabas sila Alex kasama sila Rina habang kami ng boys ay naiwan.
"Ikaw ba Aj ay may gusto kay Alex?" tanong ni Jester na tumataas baba pa ang kilay. Parang baliw eh!
"Ano ba kayo! Kaibigan lang kami!" bwelta ko sa kanila."Kaibigan o ka-IBIGAN?" madiing tanong ni Jake sakin. Mga sobog ba tong mga to?! anu-anu yung mga tinatanong!
"Kaibigan lang! Wag kayong malisyoso!""Alam mo Paps! Galingan mo kasi magtago ng feelings! Hindi yung para kang babae kung ma-mula kapag kinakausap mo siya! gaya nung kanina!" sabi ni Jester habang tumatawa. Nahalata nilang na-mula ko nung pumayag si Alex na turuan ako?! tang-ina! ang bakla ko tingnan!
"Tangina niyo! Namula ka dyan! Isang Aj Mahilum? kikiligin sa babae?! tss.""Hah! Tatawanan na lang kita kapag nahulog ka na sakanya! hahahaha!" natawa na lang ako sa sinabi ni Jake. Ako? magkakagusto dun? hmmm... Masaya ko kapag kasama ko o nakikita ko siya pero it doesn't mean na I like her! siguro masaya lang siyang kasama. yun lang yun!
Lumabas na kami ng classroom at dumiretso sa locker nakita ko si Alex na naka upo sa may swing kaya agad kong nilagay yung gamit ko sa locker at pinuntahan si Alex sa swing.
"Bakit andito ka pa? hinihintay mo ba ko?" tanong ko sakanya na ikina-inis niya.
"Asa ka!" sabay irap niya sakin na nakapag patawa naman sakin.
"Asan sila Rovee?""Andun sa SC nagugutom daw sila kaya ayun! kakain daw."
"Bakit di ka sumama?"
"Tinatamad na ko eh. Tsaka tuturuan pa kita diba?"
"Eh bakit andito ka pa?"
"Hinihintay ko kasi si Manong Danny na susundo sakin."
"Langya! Nag papasundo ka pa eh walking distance lang naman yung bahay mo?! may pagka tamad ka talaga ano?"
"Baliw! Ayaw kasi ni Dad eh! Baka daw anu pang mangyari daw sakin. Hindi ako tamad nuh!" aasarin ko pa sana pero biglang dumating yung kotse nila para sunduin siya. Nag wave siya sakin tsaka tumakbo. Pero bigla siyang bumalik.
"Sabay ka na tara!" di pa ko sumasagot pero bigla na niya ko hinila papasok sa kotse.Nakarating na kami ng bahay nila kaya bumaba ako para mapag buksan ko siya ng pinto. Gentleman diba? ako pa! hahahaha! nginitian naman niya ko tsaka bumaba.
"Gusto mong pumasok sa loob?" tanong niya habang kinukuha yung mga gamit niya.
"Hindi na magkasama naman tayo mamaya eh. Sige na mauna na ko para makapag handa na ko. ok? byeee.""Ok kung yan ang gusto mo! ba-bye!"umalis na ko nung pumasok siya sa bahay nila.
Pagdating ko sa bahay andun na sila Mommy at ate. Lumapit ako sakanilawat kiniss sila.
"Hi Mom.""Hello Anak. Kumain ka na ba?"
"Di pa po. May pupunta akong friend dito ah."
"Sino anak?"
"Si Alex po. Gagawa po kasi kami ng assignment eh."
"Lalaki?"
"No Mom. Babae siya"
"Oh ok! Papahanda na ko ng foods. ok?" sabay alis. Ganun ka excited si Mommy kapag may girl akong bisita dahil isang babae pa lang ang nadadala ko dito nun at sobrang tagal na nun. Pagkatapos nun? never na ko nagdala ng babae dun dahil pinangako na si Rhica lang ang babaeng ipapakilala ko sakanila.
BINABASA MO ANG
Searching For My Forever (Ongoing)
RomanceAno ba ang pagmamahal? Yun bang pina-iyak ka na, pinatawad mo pa? Yun bang binalewala ka na, hinahanap-hanap mo pa? Yun bang nagmahal na ng iba minamahal mo pa? O yun bang kinalimutan ka na umaasa ka pa??