Chapter 7

24 0 0
                                    


AJ POV

   Kakahatid ko lang kay Alex. Hindi ko alam na ganun pala siya kasaya kasama kaya pala andaming gusto makipag kaibigan sakanya. Tinanong niya kanina kung pano ko nalaman kung saan siya nakatira, sa totoo niyan talagang hinanap ko yung bahay nila si Francis lang pala ang makakapag sabi sakin! Ewan ko ba kung bakit naging interesado ako sa babaeng yun. Dati naman pikon na pikon ako dun dahil bukod sa maingay na napaka sunget pa pero nagkamali ako dun dahil hindi pala siya ganun ka sunget pag close na kayo. Buti at hindi ako nahirapang kausapin siya kasi nung una kinakabahan talaga ko.

  Nakauwi na ko sa bahay. Nang magdoor bell ako agad akong pinagbuksan ng isang Maid.

"Sir, Kanina pa po kayo hinahanap ng Mommy niyo."

"Andyan sila? Anong oras dumating?"

"Opo sir. Kanina pa pong hapon."

"Ah sige. Salamat Manang." pumasok na ko sa loob ng bahay ng makita ko sila Mommy na kasama si Daddy na nanunuod ng TV. Lumapit ako sakanila at kumiss kay Mommy.

"Oh anak, bakit ngayon ka lang?"

"Nagkayayaan po kasi kaming magbabarkada na kumain sa labas eh."

"Ah. Gusto mo pa bang kumain? Ipapahanda ko na lang." sabi ni Daddy sakin.

"Di na Dad. Busog na po ako. Aakyat na po ako, gusto ko na po magpahinga."

"Osige anak. GoodNight." Lumapit ulet ako kay Mommy para mag goodnight at kumiss.

Umakyat na ko sa kwarto ko para mag shower at magpahinga na. Masyadong nakakapagod ang araw na to pero napaka saya ko ngayon.

Maaga akong gumising at nag ayos para makapasok na. Bumaba ako galing kwarto para kumain ng breakfast.

"GoodMorning Mom/Dad!" masayang bati ko kila Daddy.

"Good Morning Anak! Mukhang maganda ang gising ng gwapong anak ko ah!" sabi ni Mommy habang nilalagyan niya ng pagkain yung plate ko.

"Hahahaha! Talagang gwapo! Mana sakin yan eh!" sabi ni Dad habang tinutupi yung newspaper na binabasa niya.

"Syempre! hahaha!" tumingin ako sa relo ko at nakitang male-late na ko. Tinapos ko agad ang pagkain ko tsaka nagpaalam sakanila.

"Dad, Mom. Alis na po ako. Male-late na po ako eh."

"Sige anak. Take care!" lumapit ako kay Mommy para humalik at kay Dad para i-hug siya. Lumabas na ko ng bahay at sumakay sa kotse para mai-hatid na ko.

Pagdating ko sa School dumiretso ako sa locker para kunin ako ang gamit ko nang nakita ko si Alex.

"Hi Aj. GoodMorning!" masayang bati ni Alex sakin while showing her sweet smile.

"GoodMorning din Ms.Beautiful!" sabi ko habang kinukuha ko yung mga gamit ko.

"Wow ah! Ms.Beautiful? di ako sanay na ganyan ka!"

"Hahaha! Masanay ka na friends na tayo eh!"

"Hahahaha! Sira ka talaga!"

"Sira? pero bumenta naman sayo diba?"

"Oo na lang! hahahaha!"

"Hahahaha! Akin na yang mga gamit mo at ako na magdadala!"

"Nako! Hindi na! Ako na, kaya ko to!"

"Di pinagbubuhat ang magagandang babae."

"Hala! May lagnat ka ba? grabi ang bait mo ngayon ah! Ano nakain mo?" sabi niya habang nilalagay yung kamay niya sa noo at leeg ko para malaman niya kung nilalagnat ako. Loko talaga!

"Ano ka ba? Wala akong lagnat! Tara na dali." lumakad na kami papuntang classroom. Lahat ng etudyante nakatingin samin.

'Sila na ba?'

'Teka sandali! Akin lang yan si Aj!'

'Sila agad? Ambilis naman!'

'Yung chinito ko! may iba na!'

Mga bulungang maririnig mo habang naglalakad kami ni Alex sa hallway. Magbubulungan na lang rinig na rinig pa! tsss. Mga babae nga naman talaga!

Nasa tapat na kami ng classroom, binuksan ko yung pinto para makapasok kami. Nandito na sila Rovee at nagbaba-basa lang sila ng pocketbook. Yung totoo, nakaka enjoy ba yan?

"Ayan na pala yung dalawa eh!" sabi ni Jake habang papalapit samin.

"Bakit niyo kami hinihintay?" tanong ni Alex na nilapag yung bag niya sa may upuan niya.

"Wala lang. Naiinip na kasi kami dito puro basa ginagawa nila." reklamo ni Jester na umupo sa tabi ni Alex. Lumapit ako kay Alex para ibigay yung mga gamit niya na dala-dala ko.

"Alex oh?"

"Salamat. Oo nga pala! wala pa ba kayong balita kay Francis? di ko pa rin kasi siya matawagan eh."

"Wala pa eh. Sorry babe ah!" sabi ni Allison kay Alex na mukhang alalang alala na kay Francis. Di ko naman siya masisi dahil sila na yung laging magkasama nuon pa.

Lumipat ako sa tabi ni Alex pero tinanong ko muna kung pwede dahil upuan yun ni Francis.

"Ahm. Alex? Pwede pa-upo?"

"Oo naman! Lika dali." sabi niya habang tinatanggal niya yung mga gamit niya na nakapatong sa upuan. Pagkatapos nun tumabi na ko sakanya, nagbabasa siya ng librong lovestory eh. May pagka corny din pala to.

Nagbreak time na walang teacher na pumasok dahil may meeting daw sa faculty. Nagsabay sabay kaming bumaba at pumunta sa canteen. Pupunta na sana si Alex sa canteen ng kinuha ko yung pera niya para ako na bumili, may pagkatamad din tumayo ng matagal yun eh.

Nang makabili na ko ng pagkain namin bumalik na ko sa table namin. Pagka-upo ko naririnig kong topic nila si Francis.

Searching For My Forever (Ongoing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon