02
GRIFFIN'S COVE
CHARLOTTE
Griffin's Cove
Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako nang malaman kong dito na pala kami maninirahan permanently. Hindi naman totally tahimik ang lungsod but this is way better than most of the cities na nadaanan namin kahapon. Actually, hindi ko naman talaga inakalang sa ganitong lugar ko idedevelop ang bagong buhay ko. I thought I'm going to spend the rest of my life sa maingay na komunidad. Happily, mali ang akala kong 'yon.
As the heat of the summer strikes my skin while laying down on my bed, bigla na lamang akong napatayo sapagkat naramdaman kong mainit na rin. Today will gonna be my first day here in Griffin's cove and hopefully, it will be nice for me.
Muntik ko pang makalimutan, wala na nga pala ako sa Baguio so this time, kakailanganin ko na talagang gumamit ng aircon at bawas-bawasan ang pagsusuot ng mga maiinit na damit. Wala eh, nasanay sa lamig. Sana lang, makayanan at matagalan ko ang lugar na 'to kasi kung hindi, baka magsimula na akong mag-alsabalutan.
Agad kong kinuha ang phone kong nasa ilalim lamang ng unan ko. That's when my eyes grew larger at natagpuan ko na lamang ang sarili kong kumakaripas ng takbo palabas. It's already 9 in the morning at kailangan ko pang libutin ang buong lugar upang maging familiar dito.
"Fudge! Bakit ang init?" Napakamot na lamang ako sa ulo ko nang magsimulang pumasok sa banyo. Nasanay kasi akong kapag papasok ng C.R. ay bubuksan ko pa ang heater para hindi ako manginig sa lamig pero ngayon, mukhang hindi ko na kailangang gawin 'yon dahil lubhang mas mainit talaga ang klima rito.
Iiling-iling na lamang akong pumasok at agad humarap sa salamin. Ilang saglit pa'y bigla akong napatili nang makita ang sarili kong repleksyon. Pusang-gala! Umiyak nga pala ako kagabi kaya't nagkaganito na lamang ang make-up kong hindi ko pala natanggal.
***
Suot ang 4-inch na heels ay taas-noo akong naglakad palabas ng kwarto. Mas confident pa akong naglalakad lalo pa't naeenjoy ko ang kasuotan ko ngayon at syempre, ang hairstyle kong medyo kulot-kulot sa baba. Pero ngayon, kailangan ko munang ipangako sa sarili kong hindi na ako matutulog ng nakamake-up. At mas lalong 'wag iiyak kung may makapal na eyeliner.
Nadatnan ko sa baba sina Mommy at Daddy na nagbebreakfast kaya naman kunot-noo ko silang tiningnan. As expected, they have no idea na ganito ang itsura ng anak nila.
"Oh, anak? Gising ka na pala. Halika't sabayan mo na kaming kumain," pag-aaya ni Daddy. Kahit noon pa ma'y hindi ko ugaling tanggihan ang alok nila kung kaya naman, mabilis akong naglakad pababa ng hagdan at lumapit sa hapag kainan.
BINABASA MO ANG
Pink Clouds In Her Kingdom
FantasyGrew up in Baguio, Charlotte Vandella notices a huge difference from her new hometown named Griffin's Cove. When she messed up with her friends and enemies, she will find out that not everything in her surrounding is good as it seems to be. Trials c...