Grew up in Baguio, Charlotte Vandella notices a huge difference from her new hometown named Griffin's Cove. When she messed up with her friends and enemies, she will find out that not everything in her surrounding is good as it seems to be. Trials c...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
13.
Sipping on sunshine
CHARLOTTE
Sinubukan kong bumalik sa pagtulog ngunit talagang hindi ko na magawa. Mukhang malapit na rin naman kami sa aming destinasyon kaya't umayos na lamang ako ng upo at pinagmasdan ang unti-unti nang lumiliwanag na kapaligiran at ang daanang tinatahak namin.
"I really love to have a roadtrip on places like this," sambit ko dahilan upang lumingon sa akin si Grevon na magpahanggang ngayo'y nakaupo pa rin sa harapan sa tabi ng kaibigan niya.
The place was so calm. There are rare houses which make it calmer. Okay na akong tumira sa taas o paanan ng bundok kung ganito lamang katahimik ang paligid ko as much as I have enough supplies and things I need in order to live.
"Yeah," wika naman nito pabalik. Dire-diretso lang sa pagmamaneho si Wade habang seryosong nakatingin sa dinadaanan namin. Somehow, para bang nakaramdam ako ng concern sa kaniya kasi magmula nang bumyahe kami paalis, siya na ang nagdrive nang nagdrive.
"Uhm, Wade? Okay ka lang ba diyan? Baka gusto mo munang magpahinga?" usisa ko kaya't siya naman ang sumilip sa akin sa pamamagitan nang pagtingin sa rear mirror ng salamin.
"Hindi okay lang. Malapit na rin naman tayo," pagtanggi naman nito at ngumiti. Para bang nababakas sa mukha niya ang antok ngunit pilit niya itong pinipigilan. Well, nagcoffee na rin naman kami kanina nang mapadaan kami sa isang maliit na convenience store sa tabi ng gasoline station ngunit hindi naman 'yon sapat para magkaroon kami ng infinite energy.
"Sigurado ka? Baka inaantok ka na at 'yan pa ang maging mitsa ng buhay nating tatlo? Pwede namang ako muna ang magdrive habang nagpapahinga ka," wika ko pa ngunit sadya talaga siyang tumanggi kaya't napabuntong-hininga na lamang ako't muling humarap sa salaming nasa tabi ko lamang.
Doon ko lamang napansin na ang taas na pala ng kinaroroonan namin. Kitang-kita ko ang isang buong syudad sa ibaba ng bundok at tiyak na mahihilo ako kung tatayo mismo ako sa gilid nito.
"Nagmessage sa akin si Dale. There's a sea after we crossed this mountain. Gusto niyo ba raw munang magstop over doon?" bulalas ni Grevon kaya't tila ba nabuhayan ako ng loob nang marinig ang sinabi niya.
Few minutes more and the sun will rise. Maganda-gandang panuorin ito lalo pa't kumpleto kaming magkakaibigan. And perfect scenario pa kasi sa mismong dagat pa kami manunuod. This is really heaven.
"Sure!" sagot naman ni Wade kaya't lumapad na lamang lalo ang ngiti ko at nagthumbs-up kay Grevon nang tumingin muli ito sa akin.
Saka ko lamang ulit narealized na kasama pala namin ang apat na lalaking unang nakasaksi ng pinakanakakahiyang pangyayari sa buhay ko sa Griffin's Cove. Hopefully, magkasundo-sundo kami kasi paniguradong marami kaming pagdadaanan sa loob ng isang linggo.