16 : Melodies

81 6 0
                                    

16

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

16.

Melodies

CHARLOTTE's POV


I never thought I would experience a kind of heavenly moment like this. I've only seen this in movies. Sitting on the sand and feeling the presence of the fire that gives heat to us. It reduces the coldness coming from the deep blue sea in front of us. This is so calm. This fucking so great.

"Sa buong buhay ko, hindi ko pa naranasang mag-bonfire sa dagat," Doris uttered. Napangisi na lamang ako nang marinig 'yon sa kaniya. Of course. Who would be in a normal mind condition to plan of having a bonfire at the center of the sea?

"Baliw! Subukan mo ngang mag-bonfire sa gitna ng dagat, tingnan ko lang kung tumagal 'yong apoy mo do'n," sarkastikong sambit ko sa kaniya dahilan upang makatanggap ako ng irap mula dito.

Actually, lima lamang kaming nakapalibot sa bonfire ngayon. We're all girls including Art na siyang babae rin naman inside. Samantalang may sariling business ang mga boys sa hindi kalayuan sa amin. Mabuti na lamang at may mga dala silang beers and wines kaya't malaya silang makapag-iinom as long as may supply pa.

"They seem so happy," bulalas ni Heather na nakatingin din pala sa mga kalalakihan.

Pawang mga tawanan at sigawan lamang ang mga naririnig namin mula sa kanila. Although medyo malayo sila mula sa amin, minsan kapag napapalakas ang kwento ng isa, talagang naririnig namin kung ano pa ang pinag-uusapan nila. Minsan pa nga, kami na rin mismo ang tumatawa sa sarili namin dahil sa mga naririnig mula sa kanila.

"Kung papipiliin ka ng isa kina Wade at Pierce, who would be it and why?" Napakunot naman ang noo ko sa tinanong ni Tenesse. Nagsisimula na naman ang mga gaga sa pagtatanong sa akin ng mga nonsense na bagay.

"Studies," diretsong sagot ko na lamang. I don't get the point of asking me between them. I mean, for what? If I would choose Pierce over Wade, so what? This doesn't make any sense.

"Ano? Ang corny mo talaga! Pero kung pareho ka nilang niligawan and then walang gustong magparaya, who would you pick?" tanong pa niya kaya't itinaas ko ang kamao ko't ipinakita sa kaniya.

"You know, I love to punch faces especially those who are annoying," pagpaparinig ko habang nakatitig sa kamao kong nanggigigil na. Actually, wala naman talaga akong balak saktan siya o ano, I'm just being tired with this kind of interrogation because they kept on giving issues and make everything big deal even if it's not necessary. Pasalamat sila't napaganda ng lugar na 'to ang mood ko dahil kung hindi, baka nakapatay na rin ako.

"Grabe ang brutal mo naman. Ayaw mo na lang sumagot basta, eh. KJ mo talaga," sabat naman ni Art kaya't siya naman ang inirapan ko.

"Shut up you old dude! Baka ikaw ang may gusto sa isa sa kanila?" giit ko. Nagpout lamang si Art na para bang nainis sa sinabi ko ngunit wala akong pakialam.

Pink Clouds In Her KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon