Grew up in Baguio, Charlotte Vandella notices a huge difference from her new hometown named Griffin's Cove. When she messed up with her friends and enemies, she will find out that not everything in her surrounding is good as it seems to be. Trials c...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
04.
HER NEW BUDDIES
CHARLOTTE's POV
No one knows how much I feel grateful now lalo pa nang marinig ko ang pagtunog ng bell nangangahulugang break time na. I really want to escape from that horrifying place nang magstart ang first subject namin ngayon. Masyadong nakakainis ang presensiya ng mga kaklase ko to the point na gusto ko na lamang silang lagyan ng packaging tape sa kanilang mga bibig upang mabusalan sila at mapigilan sa mga nakakainis nilang salita.
"Are you still mad with our classmate's attitudes?" Napaayos na lamang ako ng upo at napahilamos sa mukha ko. No! I shouldn't let them ruin my day. Ipapakita ko sa kanila na nagkamali sila ng taong binabangga.
"Why would I? Besides, I'm not punk. Yeah, I love rock songs especially those who have great meanings but it doesn't mean I like the style too. Duh! So what kung punk ang Pierce na 'yon? Dahil sa kaniya, mas lalo kong kaiinisan ang style na sinasabi nila," sagot ko na lamang kay Heather at napairap. They're accusing me that I'm acting like a weird punk-rocker when I'm not.
Nang lumingon ako upang tingnan ang reaksyon niya ay nakita kong nakangisi lamang ito at para bang isa rin sa mga taong nang-aasar sa akin kanina during the introduce yourself session sa klase.
Sa sobrang ingay rito sa school canteen ay halos hindi na kami magkaintindihan ni Heather. Actually, siya lang 'yong kumakain sa aming dalawa dahil nawalan na akong ng gana matapos nila akong asarin doon sa Pierce na mukhang adik na 'yon. Mabuti na lamang talaga at medyo feeling close itong si Heather at kahit papaano, mapagtitiisan ko siya at hindi pa ako magiging loner.
"You're being defensive." Napalingon kami pareho nang marinig ang isang boses mula sa kabilang lamesang katabi lang ng sa amin. Apat sila sa lamesa; dalawang babae; dalawang lalaki. 'Yong isang babaeng maputi ang nagsalita. Bale 'yong isang lalaki at itong babaeng maputi lang ang kilala ko sa kanila dahil kaklase rin namin sila ni Heather.
"Ako? Ang kapal ng mukha mo, ha!" pataray na sambit ko sa kaniya. Akma ko nang bubuhatin ang isang monobloc chair na nasa tabi ko para ibato sa kaniya pero itinaas naman nito bigla ang kaniyang dalawang kamay na parang sumusuko.
"Chill, punk chick! Ayaw namin ng gulo," wika naman ng lalaking kasama nila na may suot ng nerdy shades at headphones na nakasukbit sa kaniyang leeg. Well, there's a big disconnection between his styles but it fits perfectly for him naman. Sa pagkakatanda ko, Stockdale ang pangalan niya but he prefers to be called Dale.
Pero teka, punk chick? Nyeta talaga. Kailan ba nila ako titigilan diyan?
"Ayaw niyo ng gulo, eh kanina pa kayo asar nang asar sa akin, ha? Porke transferee at baguhan ako rito, ginagan'yan niyo na ako. Mga puta pala kayo, eh," nanggigigil ko namang sagot sa kanila. Sa totoo lang, pinipigilan ko pa rin ang sarili kong magtaas ng boses dahil ayoko munang makaagaw ng pansin ng iba rito lalo pa't wala pa akong kongkretong plano para sumikat ngunit papaano ko magagawa 'yon kung unang araw pa lang, ganito na agad ang ipapakita nila sa akin?