06.
RESISTANCE
CHARLOTTE'S POV
As soon as the music slowly fades, I realized that I'm on the dance floor—dancing with the almost perfect guy on our campus, holding his left hand and his broad right shoulder while realizing things finally end up here. I can't remember how it starts, and why.
"I think that's enough," wika ko na lamang nang bigla kong alisin ang mga kamay ko't umiwas ng tinign. I could no longer endure the awkwardness invading between us at sa tingin ko'y ikamamatay ko na kung matutuloy pa ang kalokohang ito.
"Bakit? Hindi ka ba nagugwapuhan sa akin? Hindi ba ako masarap kasayaw?" tanong pa niya kaya't mabilis pa sa alas-kwatro akong umiling-iling.
"You have looks, that's obvious. 'Yung pagsayaw mo naman, pwede na rin. But just like what I've said, that's enough. Sayaw lang, 'di ba? Walang personalan." Pilit kong pinagagaan ang conversation namin dahil alam ko naman na wala naman talagang ibig sabihin ang lahat. Ako lang 'tong nag-iisip ng kung ano-ano kaya't pati siya ay nadadamay.
I feel so guilty. It feels like I'm betraying the person who loves me the most. I'm betraying him just because he can't see it and he wouldn't know it. Bruce doesn't deserve to be crossed.
Nakatungo akong linisan ang dance floor. I left Wade hanging in the middle of the crowd. At least, I didn't ruin his first dance and we've got our first dance better than I expected. Akala ko kasi, basta na lamang ako tatakbo lalo pa't hindi ko pa gaanong kakilala si Wade at sa tingin ko'y hindi ko siya pagkakainteresahan pa dahil kaibigan siya ni Pierce and I don't want to be too close to him.
Pagkabalik ko sa table namin ay sumalubong sa akin ang mga nakangising mukha nila kaya naman agad ko silang tinaasan ng kilay. Alam ko naman na kaya ganito ang mga mukha nila ay dahil kitang-kita nila kung papaano ako nagdusa kasama si Wade Sullivan, ang lalaking gaya ko'y nanalo rin sa search kanina.
"Masarap bang kasayaw ang isang Wade Sullivan?" usisa nang nakangisi pa ring si Doris kaya't inirapan ko na lamang siya. What's with the term, masarap? Appropriate ba talaga 'yon?
"No thrill. By the way, kailangan ko na palang umuwi," pagsisinungaling ko. Mukha namang hindi nila nahalata kung kaya't sa loob-loob ko'y nakahinga ako nang maluwag.
"Ganun ba? Sige, sabay-sabay na tayo. Pauwi na rin kasi kami, eh," wika naman ni Stockdale. Hanggang ngayo'y natutuwa pa rin ako sa nickname niyang Dale kasi mas bagay sa kaniya 'yon.
"Sige. Pero wait lang ha? CR lang muna ako," paalam ko naman sa kanila. Pumayag naman ang lahat kaya't mabilis akong nagtungo sa rest room.
Nang mapadaan ako sa CR ng mga lalaki ay hindi ko inakalang makakasalubong ko pala si Pierce. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin sa kaniya na gaya niya'y seryosong seryoso rin.
BINABASA MO ANG
Pink Clouds In Her Kingdom
FantasyGrew up in Baguio, Charlotte Vandella notices a huge difference from her new hometown named Griffin's Cove. When she messed up with her friends and enemies, she will find out that not everything in her surrounding is good as it seems to be. Trials c...