09 : Tic toc

115 11 0
                                        

09

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

09.

TIC TOC

CHARLOTTE's POV

(Chapter theme on the multimedia)


Sa sobrang bilis ng pagmamaneho ni Halton ay halos mauntog na kaming lahat sa harapan namin nang bigla-bigla na lamang itong pumreno. We never expect to see a kind of terrible thing like that. Hindi namin alam kung bakit may bomba sa loob ng kotse ni Halton or kung sino man ang hinayupak na naglagay nito rito. Malas lamang namin dahil kung kailan bababa na kami upang mamasyal, saka pa nangyari 'to.

"Wala na bang ibibilis 'yan? 5 minutes na lang 'to. Kailangan nating madala 'to sa mas malayong lugar kung saan walang mapipinsala ni isa," nagpapanik nang sambit ni Doris habang palinga-linga pa rin sa paligid. Tama siya. Ito rin ang naging dahilan kaya't minadali naming maakalis sa lugar na tinigilan namin kanina. Masyadong maraming taong madadamay.

"Bilis? Eh para na tayong papatayin nitong si Halton sa sobrang bilis niyang mag-drive, eh. Relax lang tayo. Walang mabuting mapapala 'tong pagpapanic natin," giit naman ni Dale na kahit pa pinapayuhan kaming kumalma'y bakas pa rin sa mukha niya ang kaba at pag-aalala.

We're running out of time. Any minute, the bomb would explode and we could do nothing about it. This time, hopes and faiths are the things we can hold on to since our lives were in danger too.

Suddenly, I found myself thinking of ways how to overcome this dangerous journey but I remembered Makatang Tonyo's last words the last time we met.

If this is what he's explaining to me, then I have to prepare myself for the worst—rather, we. He said I have to protect the place two times but still, I'm on my way to discovering it. Ito na nga ba ang tinutukoy niya?

"Guys, three minutes na lang!" sambit pa ni Doris na nananatili pa ring nakatitig sa bombang nasa harapan namin. Hindi namin ito magawang mahawakan dahil baka konting galaw lamang dito'y mapaaga ang katapusan naming lahat.

Ilang saglit pa'y tuluyan nang dumidilim ang paligid. Katulad nang nadaanan namin kanina, may mga puno-puno sa magkabilang gilid ng kalsada dahilan upang mas lalong dumilim ang daan kahit pa mataas ang araw at ni hindi man lang nagbabadya ang pag-ulan. Alam naming medyo nakalalayo na kami mula sa mataong lugar ngunit hindi ko pa rin magawang kampante lalo pa't paunti na nang paunti ang nalalabing oras.

Maya-maya'y muli na namang dumami ang sasakyan sa paligid hanggang sa matagpuan namin ang mga sarili sa gitna ng kalsada at napapalibutan ng mga sasakyan. Napahampas si Halton sa manibela nang mapagtanto niyang, traffic pala. Nagsimula na ring mag-iyakan sina Tenesse at Doris habang ako nama'y pilit pa ring nag-iisip ng pwede naming gawin upang mapigilan ang bomba sa pagsabog.

"Siguro dapat na tayong umalis," mahinahon na sambit ni Dale. Mukhang nawawalan na rin siya ng pag-asa dahil sa sinabi niya ngunit umiling-iling ako bilang hindi pagsang-ayon. Naniniwala akong may magagawa pa rin kami.

Pink Clouds In Her KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon