Grew up in Baguio, Charlotte Vandella notices a huge difference from her new hometown named Griffin's Cove. When she messed up with her friends and enemies, she will find out that not everything in her surrounding is good as it seems to be. Trials c...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
03.
NEW ENVIRONMENT
CHARLOTTE'S POV
Few weeks later...
It's the first day of school today. I felt a bit nervous but it doesn't even matter. In fact, mas matimbang ang excitement ko to show to my new schoolmates that I am Charlotte Vandella. Surely, ngayon lamang sila makakaencounter ng tulad ko and I'm expecting tons of questions regarding my status. Hopefully, maging okay itong first day of school na 'to.
Suot ang uniform ng Griffin's Cove College, humarap ako sa salamin at labis akong namangha nang makita ang sarili kong repleksyon. Actually, hindi naman ako gasinong nacute-an noong una ko itong nakita pero dahil sa medyo may pagkafashionista ako, ginawan ko ng paraan to make my skirt shorter than before.
"Alright, inhale.. exhale.." Nagpatuloy ako sa pagbubuntong-hininga hanggang sa marinig kong may kumakatok sa pinto ng kwarto ko kaya naman agad ko itong nilapitan at pinagbuksan. Sumalubong sa akin ang nakangiting si Mommy at para bang gandang-ganda na naman sa akin though, taliwas ang nakikita niya sa actual na ako.
"Are you excited, anak?" nakangiting sambit nito sa akin kaya't para naman hindi maaksaya ang pagiging concern niya sa akin ay tumango-tango na lamang ako't yumakap sa kaniya.
I realized these past few days that I shouldn't be mad at her. Having a sweet and caring mother like her is a privilege and makes me feel so much more special. Yes, at some points, I thought I'm going to run for my life miserably just because I never wanted to be the person she wanted me to be but in the end, alam ko naman na ang lahat ng ito'y para lang sa kinabukasan at kabutihan ko.
Nang kumalas ako sa yakap ay saka ko lamang napansin ang hawak niyang isang silver na kwintas at may pendant na maskara. Labis ang pagkamangha ko dito sapagkat ngayon lamang ako nakakita ng ganoong klase ng necklace.
"Wear this necklace, sweetie. I'm sure, bagay na bagay sa 'yo 'to." Magpahanggang ngayo'y hindi pa rin napapawi ang ngiti sa kaniyang labi. Pakiramdam ko, there's something behind those smiles I must discover pero binalewala ko na lamang ito nang isuot na ni Mommy ang kwintas sa leeg ko.
I can sense through her smile that there's really something I don't know. Para bang may kinukubli siyang sikreto sa akin at sa pamamagitan lamang ng mga ngiting iyo'y hindi ko magagawang mahalata ito.
"Mom..." I gasped. As soon as I call her, para bang bigla na lamang nawala ang siglang bumabalot sa kaniya kanina. Kaya't mas minabuti ko na lamang na 'wag nang magpadala sa kung anong iniisip ko dahil baka pinaglalaruan lamang ako ng sarili kong isip.