17 : Third Explosion

89 5 0
                                    

17

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

17.

Third explosion

CHARLOTTE


"You want me to be what? Oh my gosh mom! I've almost ruined my life forcing myself to pass Physics tapos ganito ang sasabihin mo sa akin? Stop kidding!" Hindi ako makapaniwala na nasasabi ko ang mga bagay na 'to sa harapan ng aking ina. Oo, alam kong may pagkaprangka akong tao but I'm a coward with regards to future issues at ang mga situation na katulad nito.

I don't know but it feels like, it was happened already, yet I can't remember when.

"Anong sabi mo? Nagagawa mo nang sumagot sa mga magulang mo ngayon? Lintik na mga kaibigan mo 'yan! Sinasabi ko na nga bang bad influence sila sa 'yo pero patuloy ka pa ring lumalapit sa kanila." And then unfortunately, I received a huge slap on my face.

"Fucking nightmares!" bulalas ko na lamang nang magising ako mula sa pagkakatulog. Napatingin ako kay Heather na mahimbing pa rin ang tulog kaya naman napailing-iling na lamang ako't dahan-dahang bumangon mula sa kama.

Masyadong maaga pa kung kaya't paniguradong ako pa lamang din ang gising. Madilim-dilim pa ang paligid nangangahulugang madaling araw pa lamang. Sumilip muna ako sa wrist watch ko hanggang sa matiyak kong alas-singko pa lamang ng umaga.

Agad kong kinuha ang sweater ko na nakasabit lamang sa likod ng pinto ng kwarto. Dali-dali ko itong isinuot bago lumabas ng kwarto at dumiretso sa kitchen.

Bago ako makarating sa mismong kusina, napansin kong may mga suka sa pasilyo. Letse talaga 'yong mga lalaking 'yon. Sinabi ko naman sa kanila na 'wag silang magpakalalasing ng todo ngunit ginawa pa rin nila.

Nang makarating na ako sa kitchen ay hindi na ako nag-atubiling pang kumuha ng isang pack ng kape sa lagayan at nagpainit ng tubig sa thermos. Bigla namang sumagi sa isipan ko na parang masarap din naman palang mamuhay mag-isa. But of course, it is happier to live together with your sick buddies.

Mabilis akong natapos sa pagkakape so I decided to go out at pumunta sa dalampasigan. Unti-unti nang lumiliwanag at mas mabuting doon muna ako magstay para mas calm at makapag-isip pa ako ng kung ano-anong wonderful things.

"Aga natin ah?" Napabalikwas ako nang marinig ko ang boses ni Pierce sa likuran ko kaya naman dali-dali ko itong nilingon.

Nakatayo siya sa harapan ko, magulo ang buhok, tila hindi pa naghihilamos, ngunit suot naman niya ang isang malapad na ngiti na tila ba ngayon ko lamang nakita magmula nang magkakila-kilala kaming lahat.

"Sino ka?" pang-aasar ko na lamang sa kaniya ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti rito. Ewan ko ba. Parang ako pa yata ang naaasar dahil doon sa ngiti niyang 'yon. May kakaiba kasi, eh.

Pink Clouds In Her KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon