Grew up in Baguio, Charlotte Vandella notices a huge difference from her new hometown named Griffin's Cove. When she messed up with her friends and enemies, she will find out that not everything in her surrounding is good as it seems to be. Trials c...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
01.
HIDING MY TRUE COLORS
CHARLOTTE
It's already 2 in the morning. I tried my hardest to prevent my tears from streaming down my face. This is the worst thing I could ever imagine happening in my life. I really hate saying goodbyes, most especially to the people I admire the most. It's like, leaving everything you bought without even paying the right price.
"Hindi mo ako naiintindihan, Bruce. I never wanted to leave this place. This is my life; this is where I grew up at hindi ko kayang iwan na lamang ito nang gano'n-gano'n na lamang." As soon as I uttered those words, nararamdaman kong pinipigilan na rin ni Bruce ang sarili niya sa pag-iyak.
I can't blame him. Mula pagkabata, hindi niya ako pinabayaan at iniwan kaya't labis na lamang ang gulat niya nang mabalitaan niyang kailangan ko nang lisanin ang lugar na aking kinalakihan.
Tanaw pa rin ang mga ilaw na nagmumula sa mga magkakadikit na bahay sa isang tila ba bundok ng mga bahay, muli kong naramdaman ang palad niya sa kamay ko kaya naman hindi ko na napigilan pa ang sarili at tuluyan na ngang kumawala ang mga luhang pilit kong pinipigilan.
"Bruce, it's for the greater good. Wala akong ibang magagawa kung hindi sumunod na lamang muna sa mga magulang ko. Sila lamang ang tanging nakaaalam kung papaano mapabuti ang buhay ko," wika ko pa at tuluyan na ngang nagtagpo ang aming mga mata. Alam kong sa puntong ito, labis na kalungkutan na ang nadarama niya ngunit gaya niya'y gano'n din ako.
Unti-unti na naming nararamdaman ang lamig ng simoy ng hangin dito sa taas ng bubong. Hindi ko rin lubos maisip kung bakit pumayag ako sa kaniya na makipag-usap nang ganitong oras. Imbis na matulog na lamang, mas pinili naming sulitin ang mga natitirang oras—natitirang oras na magkasama.
"Papaano ang mga magulang mo? Alam na ba nilang—"
"Don't worry, they can't see who I am now. I'm changed pero kung sino at ano ang dating ako pa rin ang makikilala nila. They used to be like that. Wala nang magbabago. Kahit pa siguro ilang improvements ang magbago sa buhay ko, mananatiling tanga, walang kwenta at patapon ang magiging tingin nila sa akin." And that's when I smiled.
One last time, gusto kong iparamdam kay Bruce kung gaano ko siya kamahal at kung gaano siya kahalaga sa akin kaya naman bago pa tuluyang makapagsalita ay agad ko na siyang yinakap.
"I will miss you," mahinahon niyang sambit habang hindi pa rin kumakalas sa yakap. Tumango-tango na lamang ako't muling ngumiti.