19.
Her gift
CHARLOTTE
Kitang-kita sa mukha ni Pierce ang pagkagulat. Para bang hindi niya alam na birthday niya ngayon. Marahil ay nakalimutan na rin niya dahil sa mga nangyari nitong mga nakaraang araw. Kahit ako, I never thought we would stay up the whole night until the morning just to plan a surprise para sa gagong 'to. Maybe that's the essence of friendship.
"Happy Birthday Pierce!" sabay-sabay naming sigaw at itinaas ang tarpaulin na naglalaman ng mukha niya habang may background na mga ulap na para bang gawa ng isang punerarya.
"Hayop kayo ginawa niyo pa akong patay!" pabirong sambit naman ng damuho at tila ba iniiwasan niyang maging emosyon o ano man. Dahil sa ipinakita namin ay nakatanggap pa kami ng middle finger sign mula sa kaniya kaya naman nagtawanan kaming lahat.
"Hoy hipan mo 'to," utos ko sa kaniya sabay turo sa kanina ko pang hawak na cake. Hindi ko alam kung naappreciate ba ng kupal na 'to ang effort na ginawa namin pero panigurado namang ramdam niya 'yung sincerity namin kahit pa kung na lang, eh, maglagay kami ng kabaong dito at ihiga siya.
"Langya kayo! Nakalimutan ko nang birthday ko pala. Bakit ipinaalala niyo pa?" pabirong tanong pa niya at matapos ay pumikit na para bang nagwiwish bago niya hipan ang kandila.
Ilang sandali pa'y muli niyang iminulat ang kaniyang mga mata and then he finally blew the candle. I didn't expect na makikita siyang ganito; getting emotional and seemed like he carries the whole world. Siguro nga'y marami pa kaming hindi alam mula sa kaniya, kung bakit ganito ang personality niya, kung bakit maraming natatakot sa kaniya dahil sa badboy vibe niya.
Napansin kong kanina pa siya palingon-lingon na para bang may hinahanap. For sure, si Wade ang hinahanap niya ngunit hindi dapat ito makaapekto lalong-lalo na't espesyal ang araw na 'to para sa kaniya.
"Uhm, anong wish mo?" pag-iiba ko. Sa totoo lang, wala talaga akong balak itanong sa kaniya 'to since dapat sa kaniya na lamang 'yon pero ayoko namang may gumambala pa sa isipan niya kaya't iniiwas ko na lang siya sa bagay na makapagpapalungkot sa kaniya.
"Ang mapasa 'kin ka," wika niya kaya't agad ko siyang binigyan ng irap. Gagong 'to. Ano bang pinagsasabi niya?
"Ayieeee!" Bigla namang naghiyawan ang mga kasamahan namin kaya't nilingon ko sila't gaya ng ginawa ni Pierce kanina'y itinaas ko ang middle finger ko.
"Bwiset!" sambit ko na lamang.
"Uy, Charlotte, bakit ka namumula?" tanong naman ni Doris. Medyo okay na rin kami pero parang gusto yata nilang mag-away na naman kami.
"Duh! Bakit naman ako mamumula?" wika ko naman.
Ibinalik kong muli ang tingin ko sa nakangising si Pierce na kanina pa rin pala nakitingin sa akin. Konti na lang talaga, hindi ko na alam ang gagawin ko sa kanila.
BINABASA MO ANG
Pink Clouds In Her Kingdom
FantasiaGrew up in Baguio, Charlotte Vandella notices a huge difference from her new hometown named Griffin's Cove. When she messed up with her friends and enemies, she will find out that not everything in her surrounding is good as it seems to be. Trials c...