15 : The wound

86 5 0
                                    

15

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

15.

The wound

CHARLOTTE


Tama ang sabi sa akin ni Wade sapagkat nang makarating kami sa mismong bahay nila Dale ay halos akalain kong nasa isa akong isla. Ang kaibahan nga lang, wala kami sa gitna ng karagatan bagkus nasa likod ng mismong bahay nila ang dalampasigan.

"How come mas pinili mong manirahan sa mas maingay na komunidad kaysa sa ganito kagandang lugar?" Nakuha naman kaagad ni Art ang atensyon ko nang marinig ko siyang tinatanong si Dale.

Tama nga naman. Kung ako lamang ang magkakaroon ng pamumuhay sa ganitong lugar ay mas pipiliin kong manatili na lamang dito habang buhay. Bukod sa napakalinis at kulay blue ang tubig ng dagat, pakiramdam ko'y napakalayo ko mula sa kapahamakan not unless, lunod ang abutin ko sa kadahilanang hindi ako marunong lumangoy. Pero exemption na rin naman 'yon dahil marunong naman talaga ako, 'no!

"Kung pwede nga lang na ako 'yong masunod eh, bakit ba hindi?" sagot naman nito bago ngumiti. Somehow, para bang naiintindihan ko siya dahil sa pareho kami ng sitwasyon wherein, I didn't even choose to stay in Griffin's Cove yet I have no choice but to let my parents decide everything for me. It makes me feel worthless and yeah, less cool.

Nagtakbuhan ang iba papasok sa two-story na bahay habang ako nama'y nanatiling naglakad. Kagagaling lamang namin sa mahabang byahe and then I felt so tired also after we'd swum a while ago kaya naman ayoko na munang magsayang ng enerhiya para sa mga gagawin pa namin sa mga susunod na sandali.

Nang makapasok kaming lahat ay labis naming ikinamangha ang ganda ng disenyo ng bahay. Totoo ngang walang nakatira rito kaya't nakapagtataka na mas pinili pa nilang umalis kaysa rito na lamang mamuha ng mapayapa. Kumpleto ang mga pasilidad at talagang ang lilinis. Well, of course there are some na talagang maaalikabok dahil sa matagal na ring hindi nagagamit pero since medyo malayo naman itong bahay mula sa Highway at mga kalsada, hindi naman gasinong kalala 'yung dust na mga nakikita namin.

"We'll have our own rooms. Siguro sa bawat isang room, tigda-dalawang tao na lang para maayos." Itinour pa kami ni Dale sa bawat sulok ng bahay. Nakakatuwa nga dahil 'yung mga CR ay may bathtubs din tapos may shower pang bukod kaya halos buhay reyna at hari kami rito for one week pero syempre, hindi ring maiiwasang makaramdam ng hiya lalo pa't patutuluyin niya kami rito ng ganun-ganon na lamang.

"Hindi ba talaga nakakahiya, Dale?" paniniguro ko pa habang naglalakad kami pababa ng hagdan. Lumingon naman sa akin si Dale at ngumiti lamang bago umiling-iling na para bang sinasabing 'wag na kaming mahiya.

"We're friends. As long as we're together, walang nakakahiya. Feel at home guyses," aniya kaya't nagthumbs-up na lamang ako bilang tugon.

Ilang saglit pa'y nagtungo na rin kami ni Heather sa magiging room namin. We've decided to be roommates dahil mukhang magkakasundo naman kami pagdating sa mga Household chores at maging sa mga midnight trips gaya ng panunuod ng movies, watching kdramas or even playing Xbox.

Pink Clouds In Her KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon