05 : Rise and Fall

154 13 0
                                    

05

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


05.

RISE AND FALL

CHARLOTTE's POV


Hindi ko alam kung bakit masyadong mapagbiro ang tadhana. No'ng una akong matungtong sa Griffin's Cove College, hindi maganda ang naging unang pagkikita namin, tapos kanina lang, nagsimula na ang kalbaryo ko nang dahil sa Pierce Cadwell na 'yan at ngayon, kung anong style ng pananamit ko'y siya ring style ng sa kaniya? Hindi ba't parang nakakaloko na nakakainis na?

"Girl, destiny na nga yata kayo ni Pierce. Naku sinasabi ko sa 'yo, jackpot ka 'pag nagkataon." Sinamaan ko agad ng tingin ang kanina pang bulong nang bulong na si Art. Mukha siyang lalaking-lalaki nang dahil sa polong kasuotan niya na bumagay rin naman sa kaniya. Actually, hindi ko nga masyadong napansin ang suot nila kanina dahil nakatingin ako kay Pierc—leche! Wala akong tinitingnan. Sadyang busy lang talaga ako.

"Haha nakakatawa," sarkastiko ko namang sambit sa kaniya at agad itong inirapan. Umayos na lamang ako ng upo nang marinig ang anunsyo na magsisimula na raw ang party. Hay. Finally. I'm tired of hearing those bullshit things.

Magkakasama kami sa iisang table ngunit pakiramdam ko'y mag-isa lamang ako. Kanina kasi, lintik nila akong asarin doon sa Pierce leche na 'yon, eh hindi ko naman sinasadyang hindi rin siya magsesemi-formal attire. Duh! Kasalanan 'to ng council, eh. Kung hindi lang sana nila sinabing any attire, edi sana nakapili pa ako ng matinong susuotin.

"Our first agenda for tonight is the Mr. and Ms. Acquaintance 2017. Everyone can join as long as you want to." Nang sabihin iyon ng emcee ay napatingin ang mga kasamahan ko sa akin. Tinaasan ko naman agad sila ng kilay na para bang tinatanong kung anong problema nila.

"Sali ka!" pagkukumbinsi sa akin ni Tenesse. Ano? Maluwag ba ang mga tornilyo nila as utak? As if namang nababagay ako sa mga ganiyan-ganiyang pageant 'no? At isa pa, hamak na mas pang contest na ganito ang hitsura niya kaysa sa akin. Damay pa niya ako.

"No way! Hindi ba't ikaw 'yong mas dapat sumali?" pagbabalik ko naman. Tenesse was almost the perfect girl in our table and if I were a boy, hindi na ako mag-aaksaya pa ng panahon na ligawan siya. But since I'm not, well, mas kailangan kong sabihin na mas maganda talaga ako. 'Yon nga lang, hindi pang ganitong contest ang beauty ko.

Napansin kong unti-unti nang nag-aakyatan sa stage ang mga sasali kaya't muli na namang nalipat ang atensyon nila sa 'kin at para bang hinihintay pa rin ang magiging sagot ko. Letse talaga! Kung hindi ko lang kailangan ng kaibigan, baka pinagsasampal ko na silang lahat dahil sa pamimilit sa 'kin.

"Okay fine! But in one condition," giit ko sa kanila. Nagliwanag ang mga mukha nila na para bang nabuhayan ng pag-asa dahil sa sinabi ko. Lintik talaga! Why me?

"Sige ano 'yon?" tanong naman ni Dale kaya't napabuntong-hininga ako.

"You'll help me stop those idiots from teasing me. Clear?" wika ko pa. Tumango-tango lamang sila bilang sagot. Mabuti naman at madali silang kausap.

Pink Clouds In Her KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon