07 : The greatest relationship

133 11 0
                                    

07

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

07.

THE GREATEST RELATIONSHIP

CHARLOTTE's POV


Against the current's Gravity was currently playing through my earphones when someone suddenly pulled the right earpiece and placed it on his right ear. Our position was he was on my left side while I'm on his right. And yeah, the one who has no proper conduct was Wade Sullivan. For damn's sake, we're not even close.

"Bastos ka 'no? Sinabi ko bang kunin mo 'yan?" pagtataray ko rito. Vacant pa kasi kami dahil may sakit daw 'yong teacher dapat namin sa time na 'to. Luckily, I brought my earphones so I could prevent myself from boredom.

"Bastos ka rin! Teka, bakit ba lagi kang high blood? Para namang hindi gwapo ang katabi mo," wika niya at matapos ay ngumisi na parang isang unggoy. Pasalamat siya't wala ako sa mood manakit ng hayop dahil kung hindi, baka kanina pa ako na R.A. 8485, a.k.a. Animal Welfare nang dahil sa kaniya.

Hindi naman ako laging mahahigh blood kung hindi lang maraming epal sa buhay ko. Maski nga kina Doris, naiinis na rin ako. We have our agreement last night that if I'm going to join the search, titigilan na nila ako but still, they kept on pushing me and Pierce toward each other which is very impossibe to happen.

"Gwapo? Saan banda? Leche. Layuan mo nga ako," pagtataboy ko pa sa kaniya. Akmang hihigitin ko na sana pabalik ang kanang bahagi ng earphone ko ngunit hindi sinasadyang napasulyap ako sa direksyon ni Pierce at napansin kong nakatitig pala ito sa amin kanina pa.

Bigla na lamang itong umiwas ng tingin na para bang akala niya'y hindi pa huli ang lahat ngunit nakita ko na. Pero teka, bakit naman kami tititigan ng gagong 'yon? Nagmamatyag ba siya?

"Sus. Deny ka pa. Nga pala, mamaya na 'yong date natin, ah?" Nagulantang bigla ako sa sinabi niya. Date? Ay oo nga pala.

"Anong date? Ang kapal naman ng mukha mo!" pagmamaang-maangan ko pa na para bang walang alam. I'm sure it will be only awkward considering I really hate having dinner with someone else unless he's Bruce, my loves.

"Nakalimutan mo ba? Walang paraan para makatakas, Charlotte." Muli na naman 'tong ngumisi kaya't napaiwas na lamang ako ng tingin at dali-daling tinanggal ang earphone mula sa pagkakakabit nito sa phone ko.

"Hoy, teka! Bakit mo tinanggal? Nakikinig pa 'ko, eh!" reklamo niya. Hindi ko siya pinansin bagkus dali-dali kong isinukbit ang strap ng bag ko sa kanang balikat ko.

Date pala ha? Pwes, ngayon pa lang, tatakasan ko na siya. I'm sure naman na kapag hindi natuloy ang date na 'yon ngayon ay hindi na ito pwedeng ireschedule pa. Nakakainis ang may pakana nito. Ang corny ng prize nila. Nagsisisi na ako ngayon na sumali pa ako sa event na 'yon.

Alam kong sinusundan niya ako palabas kung kaya't mas binilisan ko na lamang ang lakad ko. Wala na akong pakialam pa kung may kasunod pa kaming subject, kailangan kong iiwas ang sarili ko rito sa gagong 'to. If I won't escape as early as possible, the chances of not attending that date will be lowered.

Pink Clouds In Her KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon