08.
A WARNING
CHARLOTTE's POV
It's been a week since the first day of school starts. As usual, hindi pa rin nawawala ang mga pang-aasar sa akin ng mga kaklase ko maging ng mga itinuturing ko ng kaibigan. Pinapalampas ko na lamang din iyon minsan lalo pa't hindi ko naman kailangang magpaapekto rito. Pero kapag talaga minsan, hindi ko na natitiis kasi 'yong pang-aasar nila, sa harap-harapan pa talaga ni Pierce.
Also, it's been a week magmula nang mag-date kami ni Wade. Considering na hindi nga iyon ang typical date na iniisip ko, still, date pa rin 'yon dahil kaming dalawa lang ang magkasama. But I don't think there's a romantic attachment between the both of us. Good thing hindi na 'yon nabalitaan pa nina Tenesse dahil paniguradong hindi nila ako titigilan sa katatanong.
Everybody's busy for the orientation program that will happen tomorrow kaya naman mas naisip kong tumambay muna sa gym para manuod sana ng mga nagpapractice na varsity players ng volleyball ngunit bigla na lamang may kumalabit sa akin nang saktong makaupo na ako sa bleachers. Tumingin ako sa direksyon niya at napagtanto kong si Dale pala.
"Oh, hindi ba kayo nagpapractice para sa class presentation niyo bukas?" tanong nito kaagad. Just like every time I see him, he's wearing cute nerdy glasses and it really fits his style. I wonder if he has special someone already.
"Nah! Only selected students from our class ang pinili nila para magpresent. Okay na rin 'yon kaysa naman madamay pa ako sa gagawin nilang kahihiyan," nakangiting sambit ko na lamang. Tumango-tango naman siya na parang naintindihan na ang ibig kong sabihin.
"Gano'n ba? Edi, gumala na lang tayo. Wala rin kaming ginagawa ni Doris sa room, eh. Sina Halton, Heather at Tenesse ba? May role ba sila sa presentation?" suhestiyon naman nito. Tila ba otomatikong nagliwanag ang mukha ko nang marinig ang sinabi niya. Well, it's a good idea naman ngunit ang problema, paniguradong hindi kami papayagan ng guard na makalabas lalo pa't ni hindi pa kami nakakabuo ng isang half day. Curse this day! If only I knew that it would be a boring day, sana pala natulog na lamang ako buong araw.
"Si Heather lang. Mukhang may nakita silang special sa imported nating kaibigan kaya siya lang 'yong nasali. Pero magandang idea 'yan, ah? Kaso nga lang, hindi tayo palalabasin," paliwanag ko naman sa kaniya. Inaasahan kong kukunot ang noo niya at parang magiging matamlay ngunit hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang mukha. This is the thing I liked the most from him. He has always this positive contagious vibe na talagang nakakapagpahawa sa amin.
"Hindi problema 'yan. Malawak ang school. Marami tayong pwedeng daanan palabas." Kumindat pa ito at mas lumapad pa ang ngiti kaya naman dali-dali kong itinaas ang kamay ko upang makipag-apir sa kaniya. Hindi naman ako nabigo dahil itinaas din niya ang kamay niya.
Maybe it wasn't that bad if we ditch our classes just for once. Besides, I've done a lot of good things all my life and I think, it would be great if I'm going to step outside my boundaries a little bit.
BINABASA MO ANG
Pink Clouds In Her Kingdom
FantasyGrew up in Baguio, Charlotte Vandella notices a huge difference from her new hometown named Griffin's Cove. When she messed up with her friends and enemies, she will find out that not everything in her surrounding is good as it seems to be. Trials c...