Epilogue

192 10 0
                                    

EPILOGUE THEME: Pink Clouds - Peyboard Nerds (feat

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


EPILOGUE THEME:
Pink Clouds - Peyboard Nerds (feat. Max Collins)


"And that's the story of the Magical Necklace." Hindi inaasahan ng manunulat nang si Heather ang pamamalakpak ng kaniyang mga mag-aaral matapos ang kaniyang storytelling. Napangiti ito't isinara ang hawak na aklat na siya mismo ang nagsulat. Labis na lamang ang kaniyang saya sa t'wing kinukwentuhan niya ang kaniyang mga batang mag-aaral.


"Ms. Heather, can I ask a question?" Tinaas ni Heather ang dalawang kilay nito na para bang hinihintay ang tanong ng batang babaeng nagtaas ng kamay. "Where can we buy that kind of necklace?" interesado nitong sambit. Tinanggal ni Heather ang kaniyang suot na salamin bago tumikhim at muling humarap sa klase.


"Actually, according to legends, there's only one of that kind of necklace that exists. And, just like what I've said a while ago, the main character inherited her necklace from her ancestors. So I guess, we can't find something like that anymore," nakangiti pa ring sagot ni Heather. Matapos sagutin ang ilan pang katanungan mula sa mga mag-aaral ay tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang klase. Agad nagpaalam ang mga mag-aaral sa kaniya.


Inayos na lamang ni Heather ang kaniyang mga gamit. Ngunit agad itong napahinto nang makita sa harapan niya ang dating kaibigan na ngayo'y kasintahan nang si Cesar. Gaya pa rin ng dati, hindi pa rin nawawala ang karisma nito at animo'y kahit sinong babae'y madaling mabibihag ng kaniyang kamandag.


"What are you doing here?" pagtatakang tanong ng natatawang si Heather. Mas lumapad pa ang kaniyang ngiti nang makita ang isang bouquet ng rosas na siyang dala ng binata.


"Gusto sana kitang masolo sa araw na 'to. Pero gusto ng mga kaibigan natin na magreunion this valentines day. Hindi ko alam kung anong trip nilang gawin pero as usual, adventure na naman 'yan panigurado." Ginulo-gulo na lamang ni Heather ang buhok ni Cesar. Pareho silang nagtawanan at tila ba asukal na ano mang oras ay pwede nang langgamin dahil sa tamis.


***


"So ayon, imbes na makapagdate nang solo 'yung mga couples natin, wala silang magagawa kung hindi sumama sa kung ano-ano na namang ka-eklabushang ito." Napalingon ang lahat sa nagmomonologue na si Art habang nakasandal sa bumper ng pick-up na kotse. Tila ba naiirita ito sa tatlong magkakasintahan sa kanilang magkakaibigan na ngayo'y mga naglalandian sa harap niya.


"Babe, ako na lang kasi. Gwapo naman ako," wika ni Wade na may halong pang-aakit. Napangiwi naman si Art at dali-daling hinampas sa balikat ang kaibigan at inirapan.


"Yuck! Kaderder ka fafa Wade. Hindi tayo talo, 'no? At isa pa, wala akong balak pumatol sa paminta," sagot naman ni Art na tila ba'y diring-diri sa sinabi ni Wade. Nagtawanan na lamang silang lahat hanggang sa mamataan nila ang isang kotseng paparating.


Pink Clouds In Her KingdomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon