"That's all for today class" hayy salamat naman at makakakain na ko! Kanina pa ko nagugutom eh, saka sobrang sumakit ang ulo ko sa quiz namin sa math! Nakakabobo!Inayos ko na ang gamit ko at lalabas na sana nang tawagin ako ng teacher ko "Samarah!" Napatingin naman ako sa direction nya
"Yes mam?"
"Pinapatawag ka sa Principals office" huh?! Wala naman akong ginawa ah?
"Bakit daw po mam?"
"Hmm I don't know"
__________
Kumatok muna ako bago pumasok. Respeto narin. Kinakabahan talaga ako! Bakit ba ko pinatawag?
"Come in" yeah. Sya ang principal. Napaka cool nyang principal. Ewan ko rin bakit, pero ganon talaga. Para sakin napakacool nya talaga.
"Sir principal, pinapatawag nyo daw po ako?" Nilapag nya ang folder na hawak nya.
"Maupo ka muna iha" ayy oo nga pala! Bat di ako umupo no?
"Okay. First of all, nakita ko na ang results ng exam mo. Even your records"
"Pwede po bang diretchuhin nyo na?" Kinakabahan kasi ako eh. Baka mamaya, puro bagsak pala ang exam ko. Mayaman kami pero ito ang pinili ko. Mas gusto kong magaral sa public school kesa sa private school. Bakit? Parehas lang naman ng pinagaaralan ah! Saka mas maganda sa public.
Nagaaral akong mabuti dahil gusto kong magkaroon ng scholarship. Nang sa ganon, malalaman ko kung anong hirap ang ginagawa ng mga walang kakayahan, makakuha lang nito.
Saka masaya ako dahil sinusuportahan ako ng parents ko sa gusto ko.
"Congrats Samarah! May scholarship kana!"
Oh my gosh?
Is it true??!!
Totoo bang nangyayare to?!
"Talaga po?! So tatagal pa ko dito?"
"Yun na nga iha, may scholarship kana kaso ibang school ang nagbigay sayo nito. Naaalala mo ba nung bumisita sila dito 4 weeks ago? Naghahanap kasi sila ng studyante na bibigyan nila ng scholarship, at nakita nila ang records mo, so ikaw ang napili nila. Congratulations samarah!"
So.. Totoo nga?! Teka--
"Sang school po ba, I mean anong school po ang nagbigay ng scholarship sak---"
"Prince Byun University"
Waaaahhh?!!! Oh my gosh?!! Yan ang school na pinangarap kong pasukan dati pa! Mahal kasi dyan saka.. Dyan nagtututo ang boyfriend ko!
Mababantayan ko na sya!
At isa pa, scholar ako ng school nila!
Nang uwian na ay nagmadali akong umuwi sa bahay. Kailangan kong ibalita sa kanila ang magandang balita!
"Oh! Anak! Aga mo ngayon?"
"Mom!" Sabay takbo ko at yakap sa kaniya! Naiiyak ako! Pangarap ko rin kasi to!
"Anak? Bakit? Anong problema?" Humiwalay ako sa kaniya at kwinento sa kaniya ang nangyare kanina. Maging sya ay tuwang tuwa. Sa wakas! Nakuha ko rin ang matagal ko nang gusto!
Ngayon alam ko na kung gaano kahirap makakuha ng scholarship. Ganto pala ang pinagdaanan ng mga tao na walang kaya magaral sa isang private school, at ganto rin siguro ang naramdaman nila nung nagka scholarship sila.
Ang saya saya pala!