"Kamusta first day bunso?" Sabay smirk. Bwisit tong Kuya ko! Wala nang ginawa kundi painitin lagi ulo ko!"Wala kang pake!"
"Oh? Talaga? Di mo ba nakita yung pinakamamahal mong boyfriend dun? Whahahaha" hayyy oo nga pala. Di ko sya nakita buong maghapon. San kaya nagpunta yun?
"Sa totoo lang kuya---"
"Di mo sya nakita? Whahahaha isa lang alam ko, baka nambabae na yun! Boring ka kasi! Whahaha" hayyy wala talagang mapupuntahan kapag sya ang kausap ko! Saka, pano kung nambabae talaga sya? Saka yung nakita namin sa McDo nun na sabi nya teacher din sa parehong school. Di ko rin nakita kanina. Halaaaa baka magkasama sila!
Saka teka lang ah! Ilan pa ba ang di magpapatapos ng sasabihin ko ngayong araw?!
"Tss" sabay walk out ko. Mamaya nalang ako kakain. Tinatamad ako. Nawalan na ko ng gana!
"Whahaha naniwala!"
Pabagsak akong nahiga sa kama ko. Hayy nakakapagod!
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may calls or text message man lang galing sa no. nya kaso wala.
Kamusta na ba tayo sehun?
Pipikit na sana ako ng biglang magring ang phone ko. Mabilis pa sa alas kwarto na napatayo at napatingin ako sa cellphone ko.
TM lang pala!
Buti pa ang TM, namimiss ako at may time na magmessage sakin. Eh sya? May time kaya syang isipin ako? Siguro wala, kaya natitiis nyang di magparamdam sakin..
"Bunso! Kakain na daw! Hinahanap ka ni mommy!" Hayyy panira talaga nang moment tong siraulong to!
"Oo! Bababa na!" Nagayos lang ako ng buhok ko at inayos ang uniform ko. Timatamad pa kong magpalit.
Dalawang oras na pala akong nakatitig lang sa cellphone ko. Sayang naman ang effort ko.
Bumaba na ako at naabutan ko sila sa dining room. Si mommy pati si kuya. Nakaready na rin ang mga pagkain. Naupo ako. Bali nasa harap ako ni kuya. Napatingin ako sa kaniya. Nakasmirk lang sya sakin.
"Oh? Mukhang napagod ka sa first day mo samarah?"
"Di naman po----"
"Mommy, kung alam mo lang badtrip yan kasi di nya nakita ang boyfriend nya na sigurado akong nambabae na ngayon! Saka tignan mo nga sya, ni di pa nagawang magpalit ng damit, kasi nga nakatitig lang sya sa cellphone nya, nagaantay ng text or calls sa boyfriend nya! Whahahaha" masamang tingin ang binigay ko sa kaniya. Pano nya nalaman yun? Di kaya naglagay sya ng camera dun?
"Whahaha halata naman sa itsura mo! Alam mo,gumaya ka sakin! Wala pang gumagawa ng ganyan sakin!"
"Ewan ko sayo kuya" sabay kuha ng kanin.
"Mommy, baka dahil dyan, di na makapag aral ng maayos yan, kakaisip sa boyfriend nya---"
"Stop it ken!" Mommy
"Mommy, namiss ko lang talaga si sehun, sa totoo lang, isang linggo na kami walang communication" natahimik sila at nagpatuloy nalang sa pagkain.
Kamusta kana kaya sehun? Di ka naman ganyan dati, di mo hinahayaan na matapos ang araw na di tayo okay. Natiis mo ko?
BAEKHYUN POV
Kanina napanood ko sa cafeteria ang grupo nila Trina at yung transferee na tinulungan ko kanina. Bat ko nga tinulungan yun? Saka mukha namang kaya nya ang grupo nila Trina.
"Wow bro! Ang astig nya!" Lay
"Oo nga! Nakita nyo ba yun?" Binutukan agad ni luhan si tao. "Oo di kami bulag!"
Well, astig naman talaga sya. Walang bumabangga sa grupo nila Trina na katulad nilang babae. Sya palang.
At syempre kami."Crush ko na sya!" Luhan
"Inlove na ata ako sa kaniya.." Xiumin
"Ang sexy nya tol!" Kai sabay smirk.
"She's mine" walang gana kong sabi.
Sabay sabay na napatingin sila sakin. Tinaasan ko lang sila ng kilay.
"Pano nangyare yun?!"
"Simple lang. Dahil akin na sya simula ngayon" ako unang nakakita sa kaniya kaya ako na ang nagmamayari sa kaniya ngayon.
"Nako halata namang pagtitripan mo lang sya" luhan
"Of course! Ako nang bahala sa kaniya" sabay inom ng coffee.
"Iba ka rin eh no? Nakipag agawan ka pa samin, eh pagtitripan mo lang pala!" Tao
"Eh anong gusto mo?"
"Wala lang. Saka mukhang masaya yang trip mo ah! Gusto ko yan!" Tao
Lagot ka sakin ngayon! Nagpapansin ka ah. Ngayon napansin na kita lagot ka sakin.