After 2 month..
"Best wishes sa inyo!"
"Mabuhay ang bagong kasal!"
"Anak, bigyan nyo ko ng apo ah? Aasahan ko yan!"
"Iho, ipagkakatiwala ko na sayo ang anak ko, ikaw ng bahala sa kaniya ah? I trust you"
"Yes po Tito, no problem!"
"No, just call me dad"
"Anak! Ang ganda ganda mo ngayon! Saka bagay na bagay kayo ni baekhyun! Sana maganda at maging gwapo rin ang mga apo namin ah?"
"Bunso! Grabe, dati naglalaro lang tayo ngayon kasal kana! Nauna ka pa sakin! Pero sana maging masaya ka sa asawa mo ah? Whahaa may asawa na ang bunso namin!"
"Ikaw naman baekhyun, alagaan mo ang bunso namin ah! Pag yan kumatok sa bahay at magsumbong na sinaktan mo sya, di ako magdadalawang isip na sugudin ka!"
"Don't worry kuya, I'll promise, I will love her with all my heart, ni sa lamok di ko sya padadapuan!"
"Okay. Nagkakaintindihan naman pala tayo eh!"
"Whahahaha"
Ang dami nilang sinasabi. Pero kahit isa, wala naman pumapasok sa isip ko. Di ko kasi talaga tanggap na ikinasal na talaga kami ni baekhyun. Nakakaloka!
Sana maging maganda naman ang buhay ko sa kaniya.
Sana matanggap ko rin sya kahit hindi ngayon, maybe someday.
Tapos na ang wedding at ngayon na ang reception. Kala ko unti lang ang invited dahil kami kami, I mean kaibigan ko at kaibigan nya lang ang ibang invited dahil secret daw muna ito para di magkagulo ang school I mean ang mga fangirls ni baekhyun. Pero andaming business partner at iba pang tao ang nandito.
Nagulat ako ng biglang may humawak sa waist ko.
"Hi Mrs. Byun" bulong nya sa tenga ko.
Naiinis ako sa presence nya!
Ugh!!! Isa na pala akong BYUN at hindi MADRIGAL!!
Bat ang bilis?
Nakangiti ako sa mga bisita pero kumukulo na talaga ang dugo ko sa lalaking to na nakahawak sa waist ko!
Namamanyakan ako sa kaniya!
"Can you please stop calling me Mrs. Byun?" Mahinang sabi ko sa kaniya. Bigla naman nya akong hinarap sa kaniya at humawak sa bewang ko, sumasayaw kasi kami ngayon. Kami ang nasa gitna.
Ngumisi sya.
"Oh, di mo parin ba tanggap na kasal na tayo? At ako na ngayon ang 'asawa' mo? O ang katotohanan na 'akin kana talaga?"
Nakakaasar.
"Hindi eh"
"Then, taste my lips" nagulat ako ng bigla nya kong hinalikan sa labi. Hindi yun SMACK!! Matagal..
Nagpalakpakan naman ang mga bisita. Kala ata nila, sinadya namin yun. Hindi nila alam, pinagsasamantalahan ako ng lalaking to! Aba! Hindi porket oo kasal na kami ay pwede nya na gawin sakin yun! Bakit pumayag ba ko?
Gusto ko sya itulak pero baka magtaka ang mga bisita. Baka isipin nila, kakakasal palang namin tas away 'magasawa' agad.
Di naman talaga kami magasawa eh!
Napilitan lang ako!
Sa pagkakaalam ko, anak nila ako at hindi 'pambayad' sa utang.
Hanggang sa lumayo na sya sakin. Isang nakakadiring ngisi lang ang binigay nya sakin.
Nakakainis!!!
Hanggang sa matapos na ang reception. Nagsialisan na rin ang ibang bisita.
"Mrs. Byun, are you ready?" Nakataas ang isang kilay na nilingon ko sya.
Ready for what?
"Saan?"
"Sa HONEYMOON mamaya!" Malakas nyang sinabi yon! Ugh! Nakakahiya! Mabilis na nagsitinginan ang natitira pang mga bisita.
NAKAKAHIYA! BWISIT!
Tumungo nalang ako sa kahihiyan.
Well, about sa 'honeymoon'. buti naman at wala silang balak na maghoneymoon agad kami. Buti naisip nila na bata pa kami! Nako, kung balak pa nila na magkaapo samin ni baekhyun, jusme, That is too much!
Nagpaalam na kami ni baekhyun sa family namin. Nauna na akong sumakay sa kotse at sumunod naman si baekhyun. Umandar na ang kotse kaya naman lalong lumalakas ang kabob ng dibdib ko.
Hahawakan nya na sana ang kamay ko, pero iniwas ko.
"Tss"
Hanggang sa makarating kami sa lugar kung san kami titira.
Yeah.
Bago pa nila sabihin samin na ikakasal kami. Naitayo na pala yung bahay na yun. So it means.. Matagal na pala nilang Plano to?
Well..
Sosyal ah!
Kaming dalawa lang ni Baekhyun nandito, para daw walang istorbo sabi ng parents nya.
As if naman ano!
eewww!!
May swimming pool dito at napakagandang garden. Malawak din pero nakakainis parin.
Pumasok ako sa loob.
"San ba ang kwarto dito?"
Nakangising nilingon nya ko. "Excited din pala!"
"Wow! Ang kapal naman ng mukha mo! Tinatanong lang kita dahil ilalagay ko na ang gamit ko! Lakas mo eh no! Saka ayokong tumabi sayo!"
"Di pwede!"
"Pwede! Baekhyun pinagusapan na to! Di kana man siguro binge at tanga no? 'MAGKAHIWALAY' ang kwarto natin!"
"Alam mo? Dapat nung pinaguusapan natin ang about dito, umapala ako eh! Dapat tabi tayo!"
"Saka please lang.. Pwede ba wala nang pakielaman? Fine. Pumayag na ko na ikasal sayo, tulad ng gusto mo! Saka wala naman akong choice eh! Bwisit! Saka kung pwede lang. Walang pakielaman! Lahat ng gamit ko wag mo hahawakan! Lalo na ko! Naiinis ako sayo! Napakaselfish mo!"
Natahimik lang sya sa sinabi ko.
Buti naman!
Aakyat na Sana ako ng hagdan ng may maalala ako. Important lang.
"And.. Tulad ng napagusapan, walang ibang makakaalam nito, kundi tayo at friends lang natin. Yun lang!" Tas umakyat na ako. Di ko na kailangan pumili ng kwarto ko dahil may sarili na pala akong kwarto. May nakapaskil na pangalan ko, pero nabwisit ako sa karugtong ng pangalan ko.
'Byun Kiera Samarah'
Tss. Di bagay!
Pinagpilitan pa!
Pumasok na ko at namangha sa nakita ko. Ang ganda ng kwarto ko! I think okay na sakin kahit na demonyo ang kasama ko sa bahay basta maganda ang kwarto ko! Love it!
May mga box dito at puro mga bagong gamit ang laman. Iba talaga kapag mayaman!
Inayos ko ito lahat at nahiga sa Kama.
Bigla Kong narealize na hindi na pala ako single. 2 weeks lang pala akong naging single tas panibagong relasyon na naman! Di lang basta ano, kundi MAY ASAWA NA PALA AKO!! ISANG DEMONYO!!
Hayy kung tutuusin, wala naman talaga kaming relasyon eh.