"Samarah!" Hera
"Oh?" Kapapasok ko lang ng school. Grabe na sigawan ng mga studyante dito. Ano bang meron?!
"Nabalitaan mo na ba?!"
"Ano ba?! Wag ka ngang sumigaw!" Sakit sa tenga eh!
Nasa bench kami ngayon.
"Ay sorry! May transferee daw kasi" kinikilig na sabi nya. Nakooo naman talaga oh! Pustahan gwapo na naman yan! Kasi kung hindi, di naman magiging ganyan yan eh!
"Nagpapatawa ka ba?! Malamang school to! Malamang may magtatransfer at magtatransfer. Baliw ka ba? Saka October na ah. Nagtatanggap parin sila?" Nagtatakang tanong ko.
Halos kalahati na ng school year may magtatransfer parin?
"Ewan ko nga rin eh. Pero balita ko, kilala sya ng principal kaya.. Alam mo na!" Vina
"Grabe! Pati yan alam mo eh no?!"
"Whahaha sorry naman! Narinig ko lang" vina
"Saka ano ka ba?. Ayaw mo nun? May gwapo?" Hera
Napairap naman ako. Gwapo?
Nakakain ba yun?
"Ano ka ba naman Hera! Alam mo namang may asawa na yan eh! Saka gwapo. kaya di nya kailangan ng gwapo. Tayo nalang!" Vina. Nagapir pa sila.
Nagkasundo ang Lola nyo!
"Nako! Tara na nga!" Sabay tayo ko.
Maglalakad na sana kami ng..
"Kiera!" Napatingin naman ako sa tumawag.
O_O
K-krei yeon?
Lumapit sya sakin at inakbayan ako. Ako naman nakatingin lang sa kaniya.
"Samarah, please.. Layuan mo sya. Don't talk to him"
"Kanina pa kita hinahanap! Dito lang pala kita makikita." Nakangiti pa sya.
"Ah.. G-ganon ba?"
"Oo. Teka, ano nga pala section mo?"
"1A" bigla naman lumawak ang ngiti nya.
"Yown! Classmate pala tayo! Whahaa"
"Teka, classmate din ba natin sila?" Sabay turo panguso kila Hera. Sila naman nakatulala lang kay Krei Yeon.
Well.. Di ko sila masisi. Gwapo naman kasi talaga si Krei yeon.
"Ah. Krei Yeon, sya si Hera and Vina. Mga kaibigan ko" pagpapakilala ko. Dahil napaka friendly ni Krei Yeon, nakipagkamay sya kila Hera. Grabe naman mamula ang dalawa.
"Hera." Tawag ko sa kaniya, pano ba naman kasi, baka nakakalimutan nya na nasa school kami.
"H-ha?"
"Magta time na po"
"Ah., ganon ba? Ah sige! Bye!" Hera
"Ingat ka!" Habol ni Krei Yeon. Kinilig naman ang bruha.
"Tara na?" Sabay kaming tatlo na pumunta sa room. Lahat ng mga babae napapatingin samin, I mean kay Krei Yeon. Si Krei Yeon naman nagawa pang makipag ngitian sa mga babae.
Good mood sya no?
Nakasalubong namin si mam conception at kinausap nya si Krei Yeon, kaya nauna na naming pumasok.
Nang makaupo na kami. Sya namang pasok ni mam.
"Okay class. Meet your new classmate" sabay pasok naman ni Krei Yeon.
Bigla namang nagsi ingayan ang mga kababaihan.
"Hi guys! Im Byun Krei Yeon. And I'm secretly inlove with Kiera" pabulong yung huli nyang sinabi pero malinaw na narinig ko yun.
Ano namang ibig sabihin nya don?
"Kiera pala ha?" Bulong ni vina.
Narinig namin na nabasag yung vase sa likod. Lahat naman kami nagsilingunan.
Si baekhyun.
"Sorry! Papalitan ko nalang!" Baekhyun. Sabay tingin sakin ng masama.
Wala naman akong ginagawa ah.
Nag 'lagot-ka-look' naman sila Kai na barkada nya.
Binalik ko nalang ang tingin ko sa harap.
"Hmm. Mr. Krei Yeon, you may seat, there!" Sabay turo sa tabi ko. Wala kasing nakaupo sa tabi ko, remember, tatlo tatlo ang upuan kada column.
Bigla namang ngumiti ng napakalawak si Krei Yeon.
Nagsimula na syang maglakad papalapit sa upuan na nasa tabi ko ng biglang may padabog na naglapag ng bag sa tabi kong desk.
Tinignan ko, si Baekhyun.
Napatigil naman sa paglalakad si Krei Yeon.
"Sorry. Taken and Married" baekhyun.
Sabay upo sa tabi ko + hawak sa kamay ko. Yung parang ayaw akong maagaw ng iba?
"But, dyan ako pinaupo ni mam!" Naiinis na sabi ni krei yeon. Nginisian lang sya ni baekhyun.
"Mr. Byun---"
"Yes?" Sabay taas ng kilay ni baekhyun. Napatigil naman ang teacher namin.
Hayst.
"Mr. Krei Yeon, sa tabi ka nalang ni Ms. Sandoval" walang nagawa si krei yeon kundi maupo nalang sa tabi ni Sandoval.
"See? Nanalo ako? Means, wala syang kakayahan na makuha ka" baekhyun.