After 2 weeks..
Heto ako ngayon at naglalakad. Malapit lang naman ang bahay namin sa school eh! Nagtext kasi si sehun kanina na hindi nya ako maihahatid dahil maaga ang meeting ng mga teachers ngayon.
Okay lang naman, kasi isang linggo nya na naman akong hinahatid sundo. Feeling ko nya baka napapansin na ng ibang studyante na may relasyon kami. Ang kulit din kasi nya eh!
Nagulat ako ng may tumigil na kotse sa harap ko. Sa laki ng kalsada sa harap ko pa sya titigil?! Anong trip nito?!
Lalagpasan ko na sana sya ng lumabas ang driver. Si baekhyun.
"Sakay" huh?! Ako ba sinasabihan nya?
"Ako ba?" Umirap lang sya. Aba! Babae lang? Saka ilang beses ko nang nakikita na naka eyeliner sya. Bagay sa kaniya. Nakakadagdag sa kagwapuhan nya. Ugh! Teka, ano bang sinasabi ko?!
"Tanga lang? Sino pa ba tao dito maliban sakin? Diba ikaw lang?" Sabi ko nga! Galit agad?! Makatanga wagas!
Pumasok na ako sa kotse at nagseat belt. Baka mamaya kaskasero to mahirap na! Ayoko pang mamatay.
Hanggang sa makarating na kami sa school. Ang sasama ng tingin sakin ng mga studyante na nakakakita samin. Lalo na ang grupo nila trina.
"Dito nalang, okay na ko dito" kala ko ititigil nya na kaso talagang sa parking lot pa tumigil kulit din nito ano!
"Bat ko naman hahayaan na iwan ang girlfriend ko dun" nakasmirk na sabi nya. Ugh! Bat ko ba nakalimutan na girlfriend ako ng lalaking to?!
"Sorry nakalimutan ko. Baekhyun ayoko na, iba nalang ang girlfriend-in mo!" Nakayukong sabi ko.
"As if naman hahayaan kita. Simula nang umagree ka sakin, akin kana! You're mine samarah! You're mine!" Dahil don nasampal ko sya. Wala syang karapatan. Walang nagmamayari sakin!
"Hindi mo ko pagmamayari!"
"Wala ka nang magagawa! Matagal kanang akin! Di ko hahayaan na may umaagaw sakin! Kaya tanggapin mo nalang" naiiyak na ko! Ano bang nangyayare? Anong problema ng mundo ngayon?!
"A-ano bang ginawa ko sayo?"
"Hmm. Wala! Pero may isa akong pinanghahawakan ngayon. Kaya wala kang magagawa"
"Ayoko! Sa ayaw at sa gusto mo ayoko na! Iba nalang ang lokohin mo!" Aalis na sana ako ng magsalita sya.
"Then sasabihin ko sa principal ang sikreto mo"
Ugh! Bat ba kailangan mangyare to?!
"Please baekhyun.. Ayoko na"
"Huh! Try me" yun lang at umalis na sya. Ang sama nya talaga! Totoo nga ang sinabi ni Hera at vina sakin. Demonyo sya. Wala syang pakielam sa nararamdaman ng iba. Kung ano ang gusto nya, yun ang mangyayare.
Pinunasan ko ang luha ko at pumunta na sa room. Nakayuko akong pumasok. Alam ko kasi na nandyan na sya. Kinikilabutan ako. Feeling ko naka titig sya sakin ngayon. Ayokong magtama ang paningin namin.
Natatakot na ko sa kaniya. Parang ayoko nang magaral."Whahahaha sinabi mo yun?! Astig pre!" Narinig kong nagsalita yung isa sa barkada nya pero pinagsawalang bahala ko na lang.
"Samarah! Tagal mo ah! Kanina pa kita hinihintay!" Vina
Wala akong gana ngayon.
"Sorry."
"Alam mo ba, parang narinig ko ang pangalan mo kanina, pinaguusapan ka ata ng grupo nila baekhyun. Bakit? May nangyare ba?" Bulong nya sakin. Nginitian ko lang sya.
"Samarah? May sakit ka ba? Ang tamlay mo ngayon" sabay hipo nya sa boo at leeg ko.
"Oh my gosh! Samarah ang init mo!" Tinignan ko lang sya. Siguro nga may sakit ako. Iba kasi pakiramdam ko simula kanina na nagusap kami ni baekhyun sa parking lot.
"Oy! Ano?!" Nahihilo na rin ako at nanghihina.
"Classmates! Tulong ang taas ng lagnat ni samarah!" Walang nakinig sa kaniya. Pero nagulat na lang akong lumutang, may nagbuhat pala sakin. Walang iba kundi si baekhyun. Nanginginig ako. Natatakot ako sa presence nya. Pero alam ko naman na wala akong magagawa eh.
Dumating na ang teacher namin at in excuse lang ako ni baekhyun na dadalhin nya ko sa clinic. Di na pinasama ni mam si vina, isa lang daw ang pwede.
Baka kung anong gawin sakin ni baekhyun..
Nang makarating kami sinalubong agad kami ng mga nurse. "Anong nangyare?"
"Ang taas po ng lagnat ng girlfriend ko" tinignan ko sya at seryoso sya.
"G-g-girlfriend mo?" Di makapaniwalang tanong ng nurse.
"Oo nga! Pwede ba asikasuhin nyo ang girlfriend ko?! Kapag may nangyareng masama sa girlfriend ko, pasensyahan, may kapalit kana bukas!" Sabi nya at lumabas na ng clinic. Nakita ko naman si ateng nurse na naluluha na.
Kung di dahil sakin di sya mawawalan ng trabaho.
Nang medyo okay na ako, at napainom na nila ako ng gamot sa lagnat ay iniwan na nila ako.
Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto. At pumasok si sehun na halatang nagaalala. Lumapit agad sya sakin at hinimas himas ang ulo ko.
"Anong nangyare? May masakit pa ba sayo? Nakainom kana ba ng gamot?" Sunod sunod na tanong nya sakin.
"O-okay na ko, wag ka na magalala" pilit akong ngumiti.
"Babe, pinagalala mo---"
"Bat ka nandito?!" Galit na tanong ni baekhyun kay sehun. Nakakunot naman ang noo ni sehun na humarap sa baekhyun.
"Mr. Byun, ano pang ginagawa mo dito? Oras ng klase, bumalik kana sa----"
"Di ko iiwan ang girlfriend ko dito" napatigil si sehun at naging blangko ang expression sa mukha. Patay...
"G-girlfriend mo?" Napangisi si baekhyun sa tanong nya. Lagot na talaga ako!!
"Yes. Actually, 1 month na rin! Ay oo nga pala, monthsary namin ngayon ni samarah. Di mo ba kami iku congratulate?" Nakasmirk na tanong nya.
Baekhyun.. Bat ka ba ganyan?