Nagaayos na ko ng sarili ko dahil papasok na naman ako. Oo nga pala. Binalik nya rin ako kagabi samin pagkatapos namin mag Date. Oo date! Gusto nya daw makasama nya ko muna bago nya ko ibalik samin. Nakakatawa sya!
"Samarah? Your boyfriend is here! Bumaba kana ah?" Di alam ni mama ang about sa nangyare kahapon. Saka di ko na siguro dapat pang sabihin sa kaniya. Buti nalang at maaga ang pasok ni kuya ngayon. Kasi kung, baka magalit at awayin nya si sehun. Okay na kami eh!
"Yes mom!"
Kinuha ko ang bag ko at bumaba na. Naabutan ko si sehun na nakikipag usap kay mommy. Ano kayang pinaguusapan nila at may pangiti ngiti pa syang nalalaman?
"Mom" napatigil sila sa paguusap at sabay na nilingon ako
"Oh sweetie! Hinihingi na ng boyfriend mo ang basbas ko! Plano na atang ikasal kayo!" Mabilis na namula ako sa sinabi ni mommy. Si sehun naman nilapitan ako at kiniss sa lips. "Tama na blush babe" natatawa na sabi nya!
"Ewan ko sayo!" Sabay irap ko
"Whahaha. Sige po MOMMY, alis na po kami ng BRIDE ko!" What the heck?! Seryoso sya?!
"Okay whahaha take care of our princess!"
Hawak hawak nya ang kamay ko ng lumabas kami ng ng bahay. Pinagbuksan nya rin ako ng kotse. Yes! Sabay kami ngayong papasok! Ewan ko ba dyan kung anong nasingot nyan! Sabi ko nang baka maghinala sila eh! Kaso ang tigas ng ulo! Mapilit sya, bala sya!
Pumasok na rin sya at nagdrive na.
"Sana lagi tayong ganito babe"
"Ah.. O-oo nga eh!"
Shit! Bigla kong naalala si baekhyun! Nako! Pano kung malaman ni sehun na boyfriend ko si baekhyun?! Baka magalit sya sakin.. Ugh!
Nagiingat naman ako.
Nakarating na kami sa university at halos lahat ng studyante pati teacher ay nakatingin samin. Yung kotse kasi ni sehun is yung nabubuksan yung bubong. Ay Ewan! Basta parang ganon!
Umistop kami sa parking
"Stay" huh?! Iiwan nya ko dito?!
Lumabas sya at imikot papunta sa kabila at pinagbuksan ako ng kotse. Wow! Gentleman lang ang peg?
"Let's go my princess" lumabas ako habang hawak hawak nya ang kamay ko. Feeling princess naman ako no? Whahah yaan na! Minsan lang!
"Ah.. Thank you! Mauna na ko sa room ko! Thank you ulit!" Aalis na sana ako ng hawakan nya ang wrist ko.
"May nakalimutan ka" nakaupo sya sa harapan ng kotse nya. Pacool din to eh no?! Sabi ko nga may nakalimutan ako eh!
"Anong nakalimutan---" nagulat ako nang bigla nya kong hinalikan sa lips! Oh my gosh! Hindi na smack yun ah!!! Ugh! Ilayo nyo ko! Ilayo nyo ko!
"Yun ang nakalimutan mo Mrs. Oh" ah.. WHAT?!!! MRS. OH?! So talagang inaangkin nya na ko ganon?
"Sige na PO SIR! Mauna na PO ako" nainis sya sa sinabi ko kaya tumakbo na ko.
"HUMANDA KA SAKIN MAMAYA MRS. OH! DI KITA TITIGILAN!" Isigaw ba naman?! Hello! Wala kami sa ibang lugar. Nasa school kami FYI!!! Saka anong ibig sabihin nya sa 'di nya ako titigilan'???
Ugh! Nagigreen ako!!
"BOOOOMM!!!" Natumba ako sa gulat at nakita ko ang dalawa kong kaibigan na nakangiti ng nakakaloko sakin!
Ano na namang pakulo to?!
"Ikaw ah..." Asar nila sakin.
"Kung itayo nyo kaya ako?!" Itinayo naman nila ako
"Hihihihi Sino kaya si Mrs. oh?" Hera
"Ikaw ah! Di mo sinabi samin, magasawa na pala kayo!" Vina
What the heck?! As in?!
"Di ah.." Nararamdaman ko namumula na ko sa hiya! Hhmanda ka rin sakin mamayang sehun ka! Di rin kita titigilan
"Pano nyo nalaman?"
"Sa lakas ba naman ng sigaw ng boyfriend mo! Malamang maririnig namin yun! Diba vina? Ang lakas kaya!" Hera
"Oo nga! Feeling ko, kakalat yan sa university ngayon!" Vina.
Uuuuggghhh!!!
Ay! Oo nga no?! Bat nakalimutan ko?. Si sehun pala first subject namin ngayon! Anong klaseng girlfriend ako?