Sana naman magbreak na no? Nakakailang kasi tong si baekhyun eh. Kanina pa nakahawak sa kamay ko. Buti nalang at hindi pinagpapawisan ang kamay ko!
"Okay. that's all for today"
YES!!!
Okay..
Samarah.. dahan dahan.. paghiwalayin mo ang kamay nyo..
1.. 2.. 3--
Hinila nya na naman ang kamay ko!!
"Pahiram naman ng kamay ko oh! Pwede ba?"
Para kong tanga eh no? Kamay ko, hinihiram ko?
Hayst.
"Di pwede. Akin to"
What the?!
Kikiligin na ba ako? Tss.
"Samarah! Tara na, sasabay daw si krei yeon satin" vina
Biglang humigpit ang hawak ni baekhyun sa kamay ko.
Ano bang gagawin ko?
"P-pwede bang---"
"Stay."
"Pero---"
"Mauna na kayo. Sabay kaming magbibreak"
"Good to hear--"
"Di ka naman siguro tanga krei yeon para ma misinterpret ang sinabi ko no? Sabay kaming magrerecess"
"Woaaaahhh" sigawan nila kai
What to do? Nagkakainitan na naman sila.
"Samarah let's go" sabay hila nya sakin. Naiwan ko tuloy yung ibang gamit ko.
Pwede naman kasing dahan dahanin diba?
Nang makarating kami sa cafeteria lahat ng studyante nakatingin samin.
"Anong gusto mong kainin wife?"
Takte!
"Carbonara nalang" tas bigla syang nagtaas ng kamay tulad lang ng dati. May utusan nga pala sya.
Mabilis naman dumating ang pagkain kaya kakain na sana ako ng magsalita sya
"Wife" napatingin ako sa kaniya. May hawak syang tinidor na may carbonara at nakatapat sakin.
Susubuan nya ba ako?
May sakit ba sya?
"Say ah."
Nahiya naman ako dahil baka sabihin pa ng iba na ang arte ko eh ako na nga ang susubuan.
"Masarap ba?" Tinanguan ko nalang sya.
Bigla naman syang umirap sa may bandang likod ko.Anong meron?
Lumingon ako. Nandon pala sila krei yeon, hera and vina.
"Sakin ka lang tumingin." Napaharap naman ako agad.
Hayyy ang sakit sa leeg!
__________
"Isasabay mo ba ako umuwi?" Pano ba naman kanina nya pa hawak kamay ko. Isasabay nya ba ako umuwi? O sadyang pinagtitripan nya lang ulit ako?
Tss.
Nandito na kami sa parking lot.
"Ha?"
"Ang sabi ko, isasabay mo ba akong umuwi?" Hayy nako. Gwapo ka nga, binge ka naman! Sayang naman ang blessing mo.
"Bat naman kita isasabay? Sino ka ba?"