SAMARAH POV
"Oh? Nakasimangot ka?" Hera
Nasa cafeteria kami ngayon. Break na kasi. Hanggang ngayon kasi di ko parin sya nakikita.
"Ah.. Kilala nyo ba si S-sir Oh?" Sabay silang napatingin sakin. Bakit? Anong meron?
"Oh my gosh! Oh my gosh! Yun ba? I mean si Sir Oh ba? Whahaha oo naman! Kilalang kila namin yun! Diba Vina?" Kinikilig na ewan si Hera.
"Oo. Sikat yun dito samarah. Sa totoo lang, maliban kay baekhyun, si Sir Oh rin pinakagwapo dito. Yun nga lang, teacher sya" Vina
Alam ko naman na gwapo sya!
"Saka marami ding patagong kinikilig kay sir kapag kinakausap sya. Mas gusto nga ng iba na mapagalitan ni sir kasi mas napapasin sila" Vina
Grabe! Iba ka rin talaga sehun!
"Even mga teachers may lihim na pagtingin kay sir Whahaha naalala ko pa nga nung first day ni Sir Oh dito, lahat ng teacher na babae kunyare pa! Pero halata naman na nagpapacute sa kaniya! Nakakaasar nga eh! Mga papansin! Pero.. Balita ko, parang niniligawan? Or Ewan! Basta lumalabas sila ni Mam Beatrice! Oo si Mam Beatrice! Malandi din yung teacher na--- teka lang, bat parang interisado ka sa kaniya? Kilala mo sya?" Nagtatakang tanong ni Hera
So.. T-totoo kaya yung sinabi ni kuya? N-nambabae ang boyfriend ko? Mukha namang totoo ang sinasabi nila..
Teka, pagsinabi ko sa kanila na boyfriend ko yun, baka magingay tong dalawang to!
"A-ah.. W-wala lang! S-sikat kasi sya sa school ko dati" sana maniwala sila. Mahirap na! Mas okay na ako lang at sya ang nakakaalam.
"Guys! Anong oras na?" Vina
"Oh my gosh! Late na tayo! Geh bye guys! Kita nalang tayo mamayang uwian!" Sabay takbo. Nakoo! Late na kami! Bat di namin namalayan ang oras?
Inayos na namin ang gamit namin at tinakbo na namin papunta sa room. Nako!!! May teacher na nga! Nakatalikod sya at nagtuturo na.
Patay na!
"Good afternoon Sir, Good afternoon classmates, we're sorry---" di ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang humarap samin ang teacher namin. Walang iba kundi si sehun..
Imbis na sabihin ko sa kaniyang 'Surprise'. Naalala ko lang ang kwinento ni Hera sakin. Kaya iniwas ko nalang tingin ko.
Nakakatitig lang sya sakin at halatang nagulat sya na nakita nya ako sa harap nya ngayon.
"Sir?" Vina
"Oh. I-im sorry.. Okay you may come in"
"Thanks sir" si vina na ang sumagot. Papasok na sana kami ng "Except y-you miss transferee" what?! Anong trip ba to?! Tumingin sakin si vina, tinanguan ko lang sya at nauna na syang pumasok.
Hinawakan ako ni Sir, I mean ni sehun sa kamay. Simpleng hawak lang, malaki na effect sakin. Hinila nya ko hanggang sa makalayo kami sa room.
"Bat ka nandito? I mean, bakit ganyan ang suot mo?" Nakatingin sa uniform na suot ko ngayon. Naginit ang ulo ko sa tanong nya.
"Pano mo malalaman?! Eh ni di mo manlang ako naitext or natawagan man lang para kamustahin ako! Kasi, busy ka sa paglandi mo!" That's it! Nailabas ko rin ang nararamdaman ko! Isang linggo ko ring hawak yon!
"Pwede bang hinaan mo yang boses mo?!" Medyo napipikon na naiinis sya?
"Ikaw pa may ganang mainis? Sehun.. G-girlfriend mo k-ko.." Naiiyak na ko. Di ko na kaya. Pinunasan ko ang luha na galing sa mata ko "Sir. P-papasok na po ako.." Iniwan ko na sya at nauna nang pumasok sa room. Nakita agad ako ni Vina, parang nahalata nya na umiyak ako. Naupo na ko sa upuan ko
"Okay ka lang? Umiyak ka ba?"
"H-hindi. Napuwing lang ako" pumasok na si sehun I mean si sir at nagturo na ulit sya. Nakatitig lang ako sa kaniya, naiinis pa rin kasi ako sa kaniya. Sya pa may ganang magalit.
"Samarah" nagulat ako ng may tumawag ng pangalan ko. Kaya natauhan ako. Si Sir pala.
"Nakikinig ka ba o nakatulala ka lang?" Tss. Ginugulo mo kasi isipan ko! Bwisit ka!
"Yes s-sir"
"Tumayo ka" tumayo naman ako gaya ng sinabi nya
"Kung nakikinig ka, ano ang natutunan mo sa lahat lesson ko ngayon?" Lahat ng classmates ko nakatingin pala sakin, pati si vina at si baekhyun.
Buti nalang at naituro na to samin sa St. Sarylle.
Lahat ng natutuhan ko sa tinuro samin nun ay sinagot ko. As in lahat lahat. Mga classmates ko nakatunganga sakin pati na rin si vina.
"O-okay. You may sit down"