"ANO?!" sabay na tanong nila Hera at vina. Nasa cafeteria kami ngayon, kabibreak lang. At oo, napagisipan kong ishare sa kanila yun, kaibigan ko naman sila. At may tiwala ako sa kanila. Baka rin kasi may maitulong sila sa sitwasyon ko.
"Guys, narinig nyo ko"
"As in totoo?! Talagang sinabi nya yun?! Oh my gosh - oh my gosh! Grabe! Ang saya non!" Sabi ni Hera na kinikilig kilig pa!
"Alam mo! Bagay naman kayo! Saka dati ko pa napapansin yan! Halata namang may gusto sya sayo, kapag dumadaan tayo sa grupo nila baekhyun, grabe sya makatingin sayo, parang kakainin ka ganon!" Vina, "Sana may magsabi din sakin nyan.." Habol nya pa.
Hayyy oo binabawi ko na ang sinabi ko na may maitutulong sila!! Nagkamali ako!
"Kaya ko nga sinabi sa inyo dahil akala ko may maitutulong kayo, kaso parang wala.." Sabay tungo ko sa table.
"S-sorry na samarah! Nabigla lang kami! Bagay naman kasi talaga kayo eh! Diba vina?" Hera
"Oo nga! Saka teka lang ah, naguguluhan ako! Bakit nya sinabi yun?" Napadilat ako habang nakatungo sa table at dahan dahang inangat ang ulo ko.
"Guys.. Wag kayong mabibigla ah?" Sabay naman silang tumango saka bumalik si Hera sa paginom ng coke, si vina naman sumubo ng burger.
"Boyfriend ko si Sir oh" nagkatinginan sila.
Nabulunan naman si vina, si Hera naman parang di makahinga dahil napasukan ata ng coke sa ilong nya.
Sabi na eh...
Alam ko naman na magiging ganyan ang reaction nila. Nagpatuloy nalang ako sa pagkain ko ng spaghetti ni jollibee. Siguro matagal na rin akong nakatitig lang sa kinakain ko.
Teka, ang tahimik ata ang dalawa?
Tumingin ako sa kanila at halos manlaki ang Mata ko ng makita ko si Hera na nakapikit at nakanganga, si vina naman nakapikit din at nakahawak sa leeg nya.
"G-guys?" Di sila nagsalita
"Guys naman eh!" Naiinis na ko kaya tumayo ako at kakaltukan na dapat sila nang makita kong namumutla na silang dalawa
O-oh m-my gosh..
Anong nangyare?
_________________
"Buti at nadala agad sila dito, kung hindi baka mamatay yang mga kaibigan mo dahil naubusan na ng hininga" sabi ng nurse sa clinic. Hayyy buti nalang talaga at tumulong yung mga lalaki sa cafeteria, kundi nawalan na ako ng kaibigan. Sila na nga lang ang kaibigan ko dito eh!
OA naman kasi ng mga to!
"Okay na po ba sila?"
"Oo naman. Sige kailangan ko na kasing tignan yung isa pang dinala dito sa clinic kanina"
"Ah sige po, salamat po ulit" umalis na si ateng nurse at nilapitan ko na sila Hera.
"Okay na ba kayo?" Nagtinginan sila sakin.
Bakit?
Bigla akong binatukan ni hera. Sabay pout.
"Ikaw! Marami kang ikikwento samin ah! Ang tagal na nating magkakilala at magkakasama tas ngayon mo lang shinare yan samin! Nakakapagtampo ka talaga!"
"Oo na! Alam ko naman yun! Saka.. Alam ko naman na magiging OA ang reaction nyo dahil alam ko na simula palang na crush na crush nyo si Sir Oh, saka crush mo Hera si baekhyun diba?" Nairap sya at nagiwas ng tingin.
"Nakakainggit ka.. Boyfriend mo na si Sir Oh, boyfriend mo pa ngayon si b-baekhyun" naiiyak na sabi nya? Hala! Wala akong ginawa ah!
"Hoy Hera! Ang OA mo! Saka alam mo naman kung bakit naging sila diba? Nakooo Hera, common sense naman!" Vina na natatawa pa!
"Tara na! Baka malate pa tayo! Ano bang subject ngayon vina?" Mapanuksong tingin ang binigay nya sakin.
"Nakooo kunyare di alam.. Whahahaha" hala! Adik lang? Di ko naman talaga alam eh! Kaya nga ako nagtatanong para malaman ko! Tss
"Di ko naman talaga alam!"
"Eh bat galit ka? Nakoo wag na ideny!" Nakakaasar to ah! Kaibigan ko ba talaga to?!
"Isa kakaltukan kita!"
"Oh easy.. Joke lang! Si Sir Oh kasi ang teacher natin ngayon samarah! Kaya tara na! Para kahit saglit makasilay naman ako!" Vina sabay ayos ng uniform nya at bag nya. Tumayo na rin ako ganon din si Hera.
"Bye Hera! Ingat!"
"Geh thank you ulit samarah! Kahit ikaw ang may kasalanan kung bat kami naclinic, salamat parin!" Natatawa pa sya ah?
"Geh na!"
Bumalik na kami ng room, gaya lang nung nakaraan late na naman kami at nagtuturo na sya. Busy na sya.
"Sir sorry po, late na naman po kami sa klase nyo" Vina
"Nakakadalawa na kayong late sa klase ko! San ba kasi kayo nagsususuot? Alam nyo naman ang oras ng klase, saka talagang sa oras ko lang kayo nagpapalate ah!" Medyo galit yung boses nya. Napatungo nalang si vina.
"Sorry po sir, galing pa po kasi kami sa clinic" medyo naiinis na rin yung boses ko. Lakas magalit ano! Di naman alam kung bakit kami nalate!
"G-ganon ba? Okay sorry. Vina pwede ka nang pumasok, samarah maiwan ka muna, magusap tayo" ugh! Ano na naman to?!
Tumingin ako kay vina na ngayon ay abot langit na ang ngiti sa nangyayare. Nako! Isa pa to eh! Pumasok na sya at naiwan na naman ako kasama ang boyfriend ko!
"Samarah" tinignan ko sya. Yung tingin na gumagalang sa teacher nya.
"Shit! Samarah wag ka ngang tumingin sakin ng ganyan! Samarah boyfriend mo ko!" Wow! As in wow! Sayo pa talaga nanggaling yan?! Sa ilang araw mong di pagpaparamdam sakin?
"SIR, ano PO bang gusto nyo? Kailangan nyo pa PONG magturo" magalang na tanong ko. Talagang inemphasized ko ang ang SIR at PO. Bakit? Trip ko lang! Ang saya eh!
"Samarah, di ako nakikipaglokohan sayo!" Naiinis na yung itsura nya.
"Ano PO bang paguusapan natin SIR?"
"Ehem. Anong nangyare? Bat galing kayong clinic? May nangyare ba sayo? Nasaktan ka ba?" Ngayon parang boyfriend na sya sakin. Ang bilis din magbago ng isip nito eh no?
Nakahawak pa sya sa ulo ko, kala mo talaga nagaalala!
Tinanggal ko ang kamay nya sakin at nakataas ang kilay na tinignan ko sya.
"Pwede ba?! Wag kang umarte na nagaalala ka sakin! Nakakaasar kana ah! Ilang linggo, araw wala kang paramdam. So talagang pinapamukha mo sakin na mas may time ka sa Beatrice mo!" Biglang magbago ang expression ng mukha nya. So totoo nga?
"Ano bang sinasabi mo?" Pinipigilan nyang lumakas yung boses nya.
"Pwede ba? Marami akong nababalitaan sa inyo. Siguro mas maganda kung.. Magbreak nalang tayo.." Mahirap, masakit, feeling ko di ko kaya pero wala eh, nasabi ko na. Di ko na mababawi yun. Saka para san pa na magboyfriend girlfriend kami tas wala naman kaming time para sa isat isa. Sinasaktan at pinapaasa ko lang ang sarili ko. Wala na yung spark saming dalawa.
Sa una lang pala..
Natahimik sya sa sinabi ko.
Siguro napagisip isip nya rin.