Uwian na namin at hinihintay namin ni vina si Hera. Ang tagal kasing pagpalabas ng teacher nila eh no?
Hayst. Nababadtrip talaga ako kay baekhyun. Kung pwede lang maglayas ako tas kila Hera muna makituloy di ko na kaya ang ugali nya. Nakakabwisit na. Tagos hanggang bones.
"Tagal naman ni Hera!" Reklamo ni vina. Excited kasi to dahil mamamasyal kami sa mall.
"Hmm.. Puntahan ko na kaya? Tama. Sige dito ka na lang samarah, ako na lang pupunta sa room nya"
"Sure ka?"
"Oo." Sabay alis nya.
Bat ba kasi ang tagal lumabas ng bruhang yun eh!
Bwisit. Ano na namang kailangan nitong lalaking to?!
"Wife"
Ugh!!
"Tigilan mo nga yang pa 'wife-wife' mo! Nakakadiri!" Umirap lang sya. Aba!
"Bakit ayaw mo? Gusto mo 'honey' , 'mahal'?"
"May sinabi ako?!"
"Wala" Sabay hawak sa braso ko, abat!
"T-teka, San mo ko dadalhin?!" Di sya nagsalita at hinila lang ako papunta sa parking at pinasok ako sa kotse nya.
Hala! Sila Hera!
"Lalabas ako!" Binubuksan ko yung kotse pero ayaw. pumasok na rin sya at naguumpisa nang magdrive
"Not now"
"Pero! Hinahanap na ako nila vina!! May lakad kami!"
This time humarap na sya sakin."Tas anong oras ka na naman uuwi?! Gabi na naman?!"
"Bat ka ba nagagalit?! Sinabi ko bang hintayin mo ko?! Baekhyun di na ako bata! Kaya ko na ang sarili ko! Saka wag mo nga akong pakielamanan!" Bigla syang prumeno at tumingin sakin.
Ang sama ng tingin nya.
"Uwi ba yun ng isang matinong asawa?! Samarah, may asawa kana at ako yun! Pwede ba sumnunod ka nalang sakin para wala nang gulo?!"
"San ba kasi tayo pupunta?" Nagumpisa na syang magdrive. "Sa bahay"
"Bakit ba?"
"Kailangan na nating magayos, may party sa bahay. Dumating ang pinsan ko. Ayoko ngang pumunta eh!"
Ayaw nya pala eh
"Eh bat pupunta ka pa? Saka bat kasama pa ko?"
"Dahil kailangan kong pumunta. Baka magalit sakin sila mommy, lahat kasi ng kamag anak namin nandon mamaya. Saka ikaw ang kailangan don, ipapakilala ka daw ni mommy sa iba naming kamag anak."
Oww, okay. Gets ko na.
Nang makarating kami sa bahay. Diretcho sa sarili naming kwarto. Nagulat pa ko ng may makita akong malaking box sa Kama ko.
Kala ko kung ano. Pero pag bukas ko, dress pala. Iba rin!
Kulay blue sya ng dress. Tas black na heels. 3 inches ang taas.
Ang ganda!
Naligo na ko at nag ayos na. Sinuot ko na rin ang dress na nasa Kama ko at nagmake up. Yung simple lang at di masyado makapal. Tas tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Baka kasi magmukha akong tanga don. Lahat pa naman ata ng kamag anak nila nandon, at ipapakilala pa daw ako ni mommy.
WOW.. A-ANG GANDA KO!!!
mukha kong barbie.
6:30 na pala. 45 mins din pala akong nagayos ng sarili ko.