HIBB 18

3 0 0
                                    

Pagkagising ko, lumabas agad ako dahil kanina pa ko ginigising ng maids namin. Pano ba naman, gusto daw ni dad sabay sabay kami kakain ng breakfast. Tss. Di ko parin makalimutan yung sinabi nya kagabi na ngayon ko imimeet ang 'fiance' ko.

Sana nakalimutan nya na.

Bata pa ko para dun.

OA na kung OA. Pero alam kong mamadaliin ni dad ang kasal. Nalulugi na kasi ang company

Buti nalang at Saturday ngayon. Kung hindi baka wala na naman ako sa wisyo nito!

Nandito na pala sila.

"G-goodmorning dad" sabay halik ko sa cheeks nya. Ganun din kila mommy and kuya. Tahimik akong naupo sa upuan na katabi ni Kuya at kaharap si mommy. Nginitian nya ko at ganun din si Kuya. Si daddy naman sa dulo. Yan talaga ang pwesto nya.

Inabot ni kuya sakin ang kanin kaya kinuha ko at naglagay sa pinggan ko. Unti lang ang nilagay ko, wala kasi akong gana. Naglagay narin ako ng ulam. Chicken curry at bacons.

Susubo na sana ako ng,

"Samarah, after this. prepare yourself. You'll meet your fiance" dad

Kala ko ba nakalimutan nya na?

"Reymon--"

"Ok po" tas kumain na ulit ako. Pagkatapos ay nauna na kong umalis at umakyat na sa kwarto ko.

Ano naman ang susuotin ko?

Mag all-black kaya ako?

Para halatang namatayan ako ng karapatan magpakasal sa taong mahal ko.

Naligo na lang muna ako at saka ako naghanap ng susuotin sa walk in closet ko.

Hmm, blue dress?

Okay okay.  Blue dress. Bagay naman to sakin ngayon eh.

Pagkatapos ay nagmake up ako. Simple lang. Di naman ako clown kung may make up eh. Tas sinuot ko ang bingay sakin ni kuya na necklace.

Tok tok tok

"Bunso, si kuya to"

Si Kuya pala, Kala ko si daddy.

"Pasok Kuya"

Pumasok sya at lumapit sakin.

"I'm sorry" malungkot na sabi ni Kuya saken. Bakit sya nagsosorry?

"Kuya--"

"Kung tutuusin, kaya ko naman ipilit kay dad na wag nya na ituloy tong 'arranged marriage' na to. Pero, alam naman natin na malabong makinig satin si dad. I'm sorry bunso, wala akong magawa" grabe, kahit napakaloko at napalakas mantrip nito ni kuya, I feel and I know that he loves me so much.

"Kuya, okay lang" nagtataka na napatingin sya sakin.

"What do you mean?"

"Napagisip isip ko kasi kuya, mas okay na siguro na tanggapin ko ito kaysa naman sakin ipamanage ni dad ang company. You know naman Kuya na ayoko talaga magmanage nun"

"Are you sure about this?"

"I'm not really sure but, mas okay na to. Matatanggap ko rin naman balang araw. Saka nalulugi na ang company natin, di porket ayokong magmanage ng company ay wala na akong gagawin para dito" yinakap ako ni kuya,.

"Thanks samarah" mabilis na nilayo ko sya sakin.

"Luh, first mo time kong tawagin ng samarah ah!" Sabay hampas ko sa braso nya.

"Syempre, seryoso tayo eh, kaya kailangan samarah. Whahaha"

"Ewan ko sayo Kuya! Ang Corny mo! Tara na nga, sure ako kanina pa naghihintay sila dad sa baba"

_____

Byun Luxury Restaurant

Yes, dito kami tumigil. I mean tumigil ang kotse na sinasakyan namin. Ano bang meron? Sobra naman atang magara?

Lumabas na kami ng kotse at pumasok na.

Tinanong ni dad kung saan ba ang yung table na nakareserve para samin at sa family daw ng 'fiance' ko. Hinatid naman kami nito at unalis na sya.

Nakita ko agad ang isang babae at lalaki na parang kasing edad lang nila mom and dad.

And, isang lalaki na busy sa pagkalikot ng phone nya.

Bastos lang?

Hayst bala sya!

Hmm.. Sya kaya ang fiance ko? Hmm, nakatungo palang sya pero gwapo na, pano pa kaya paghumarap na? Sana mabait.

Napatingon samin yung parents nya at tumayo sila pareho at ngumiti.

"Oh kayo pala, Mr. and Mrs. Madrigal" nakangiting nakipagkamay sya kila dad. Sabay tingin nya kay kuya.

"Oh sya ba ang panganay mo?"

"Ah yes, Mrs, Byun" mom.

"Gwapo ah! hmm, and she is your daughter?" Nakangiti sya habang nakatitig sakin. Nahiya tuloy ako.

"Yeah. She's Samarah Madrigal, my daughter." Dahil dun napatingin samin ang lalaki na kanina pa nakatitig at kumakalikot sa phone nya.

O_O

Oh my gosh..

S-sya???

He is Byun BaekhyunWhere stories live. Discover now