HIBB 6

2 1 0
                                    

"Okay class. That all for today" nauna nang lumabas si mam. Kami naman ng bago kong kaibigan ay nagaayos pa ng gamit ng biglang may lumapit. Sila yung mga babae kanina

"Well, well, well. Mukhang may kaibigan na si nerdy ah! Wow diba girls? May nagtyaga sa mukha---"

"Tatahimik ka o tatahimik ka?" Sabay taas ng kilay ko. Lumapit naman sakin si Vina. Oo her name is Vina.
Saka sya bumulong sakin "Hayaan muna sila Samarah, okay lang" napatingin naman ako sa kaniya "Sure ka?" Tumango tango sya "Sanay na naman ako, wala nang bago dun"

"Uh-huh! I think, were just wasting our time here! Let's go the cafeteria girls. I'm so hungry. Saka para makaalis na rin dito. Ang pangit ng nakikita ko" sabay tingin kay Vina.

Aba! Siraulo to ah! Lamang lang naman sya ng isang tabong tubig kay Vina. Pag ito gumanda, who you yan!

"Hayaan mo na sila, mga wala lang magawa yan" Sabay kuha ko sa bag ko. Di ko napansin si baekhyun ah! Ayyy!!! Saka bat ko ba iniisip yung lalaking yon?! Dahil ba.. Gwapo sya? Tss.

Mukhang recess lang ang favorite subject nya

"Let's go?" Sabay kaming pumunta sa cafeteria at umorder na kakainin namin. mabuti nalang at marami pang bakante.

Habang kumakain naisip ko si baekhyun.

"Ah, Vina.  Bat ganon si mam kanina? Bat parang takot sya kay baekhyun?" Mabilis na napatingin sya sakin

"A-ah.  Kasi anak sya ng may ari ng university na to. It means may kapangyarihan sya" ganon?

"Saka sa kaniya talaga ang university na to. Sa kaniya nya pinangalan to eh. Dati Prince Baekhyun, pero napalitan, ginawang Prince Byun. Saka wag na wag mong hayaan na magkrus ang landas nyo dahil lagot ka!" Well, halata naman dahil pati teacher natatakot sa kaniya.

"Bakit? Napagtripan kana ba nya?" Sabay subo ko ng fries "Oo. Maraming beses na, saka kahapon sya huling nantrip sakin, buti nga at hindi nya pa ko napagtitripan ngayon"

"Di na mangyayare yun, nandito na ko Vina!" Napangiti sya "Thank you!"

"Ate!" Napalingon ako sa tumatawag.

"Oh! Ikaw pala!" Sya yung naghatid sakin sa principals office at gustong makipagkaibigan sakin kanina. Well umoo ako.

"Kala ko di kita makikita! Alam mo bang kanina pa kita hinahanap?"

"Ano ngayon?" Nagpout naman sya at napatingin kay Vina. "Oy! Friend mo? Bilis ah!"

"Di kasi ako namimili ng kakaibiganin" di katulad mo! Kinaibigan mo lang ako dahil kala mo close kami ng baekhyun mo!

"Hi!" Sabay lahad nya ng kamay kay Vina. Napatingin naman sakin si Vina. Walang duda! Friendly ang gaga!

"Wag ka magalala Vina, kahit ganyan mukha nyan, mukha namang matino sya. Nameet ko sya kanina lang" mabilis namang nakipagkamay si Vina. Mukhang nagtitiwala na sya sakin.

"Ah, nice to meet you! Pwede bang makishare ako ng table sa inyo! Wala na kasing bakante"

"Okay lang!" Masayang sagot ni Vina. Sabi ko naman sayo Vina, marami paring gustong makipagkaibigan sayo, di mo lang nahahalata.

Nahulog ang kutsara ni Vina kaya naman kinuha nya sa baba. Pagkatayo nya sakto namang daan ng maarte. Kaya tumapon kay Vina ang coffee nya. Hala! Ang init nun ah!!

Napatayo ako ng sasampalin nya sana si Vina.

"Hoy babae! Ikaw na nga nakatapon ikaw pa mananakit?" Sabay layo ko kay Vina. Kinuha naman ni hera si Vina at pinunasan ng towel.

"Ikaw na naman?!"

"Ngayon?"

"Umalis ka nga!" Sabay tulak sakin dahilan para mapaupo ako sa sahig. Lumapit sya kay Vina.

Aba! Ako ba talaga kinakalaban mo?! Well,

Tumayo ako at tinulak din sya. Napa 'woaaahh' ang mga studyante

"Ugh! Nakakailan kana ah! Bat ka ba nangingielam?!"

"Simple lang! Mali kasi yang ginagawa mo!"

"Mali? Eh sya nga yung biglang tayo kaya natapon ang coffee ko!"

"Mayaman ka naman! Kaya mo naman bumili ng ibang dosenang coffee! Ikaw na nga nakabuhos ng mainit na kape, ikaw pa galit! Di ka na lang magsorry!" Inirapan nya lang ako "Magsorry? Wala sa bokabularyo ko yan"

"Sinong may pake sa bukabularyo mo?! Ikaw kasi, tatanga tanga ka kaya natapon ang coffee mo! Ang Arte mo kasi humawak kaya natapon" sabay talikod ko sa kaniya at hinarap si Hera at si Vina.

"Let's go!" Sabay kaming tatlo na lumabas ng cafeteria at dumiretcho sa CR. Buti nalang at may dala akong extra tshirt . binigay ko nalang kay Vina para may pampalit sya sa blouse nya namantyahan na ng coffee.

Grabe talaga yun!

"T-thank you sa t-tulong nyo ah. Kung wala kayo, sigurado akong pati mga studyante na nanunuod sasali sa trip nila"

"Nakoo wala yun Vina! Kami pa! Eh magkakaibigan tayo! Diba Samarah?"

"Oo naman! So.. Friends?"

He is Byun BaekhyunWhere stories live. Discover now