HIBB 17

6 0 0
                                    

5 mins pa bago ang time na napagusapan namin ni Sehun. Oo kinausap ko sya kaso sa phone lang, gusto ko kasing makipagusap sa kaniya ng seryoso. Saka gusto ko rin malaman mismo sa kaniya kung totoo ba ang nalaman ko tungkol sa kanila ni Beatrice.

Kung totoo man, wala naman akong magagawa.

Masakit man pero kailangan kong tanggapin dahil yun naman talaga ang totoo.

Saka napagisip isip ko na rin na ayoko na. Nagsasawa na kasi ako, saka mukhang nanalo na ang babaeng yun na agawin sakin ang boyfriend ko.

Saktong 10:30 ng pumasok sya ng starbucks . dito ko kasi gusto na magusap kami. Nasanay kasi ako kila Hera at vina.

Nginitian ko sya kahit pilit lang.

Umupo sya sa harap ko at tinignan ko sya sa mata.

"Sehun.."

Kaya ko ba?

"Alam ko na ang tungkol sa Engagement Party nyo" sabay tungo ko.

"Samarah.."

"No. Its okay. Unti unti ko naman na natatanggap eh. Saka, wala naman akong magagawa kung di talaga tayo para sa isat isa. Pero gusto ko lang sabihin na.. Minahal talaga kita, lahat ginawa ko para satin. Pero.. Wala na eh. Siguro di lang talaga tayo para sa isat isa. Ah.. Sana maging masaya kayo ni b-beatrice. Hmm, Sana imbitahan nyo ko sa kasal nyo ah?" Ang sakit. Parang di ko na kaya kaya nanahimik nalang ako.

"Samarah.. Sorry. Di ko sinasadyang saktan ka. Pero patawarin mo sana ako"
"N-no sehun. Its okay. Di naman natin kasalanan kung di talaga tayo itinadhana forever."

"Hmm.. So.. Friends?"

Ansakit marinig na friends.. Na mauuwi lang kami sa friends. Pagkatapos ng lahat. 2 years din pala kami. Pero salamat din dahil sa 2 years na yun, naexperience kong maging girlfriend ni Sehun. Masaya naman kahit papano.

Kala ko kami na forever kaso di pala.

"Samarah.." tinignan ko sya, ewan, pero umaasa ako na sabihin nya sakin na joke lang ang mga nangyare ngayon. Na Hindi totoo na ikakasal na sila.

Pero, sino nga ba ako?

Di naman magiging sila ni beatrice kung naibibigay ko sa kaniya lahat. Siguro di parin ako sapat sa kaniya kaya ganon

Tama na nga samarah!

Sinasampal ka na ng katotohanan!

"Hmm?"

"Yung about Kay b-baekhyun" inaasahan ko talaga na maging topic namin yan ngayon. Saka dati pa gusto ko naman talagang sabihin sa kaniya ang sa amin ni baekhyun eh.

Wala palang 'kami'

Blinackmail nya nga lang pala ako.

"Ah, Sehun.. Kaya lang naman naging kami, I mean kaya lang naman nagkaroon ng 'kami' ay dahil.. Blinackmail nya ko" halatang nagulat sya sa sinabi ko.

Siguro ngayon naiintindihan nya na kung bakit naging kami ni baekhyun ng 'di ko naman alam.

"What do you mean?"

"Nalaman nya na may relasyon tayo. Na boyfriend kita, at girlfriend mo ko. Di ko nga Alam kung pano, kailan at saan nya nalaman eh. Basta nung sinabi nya sakin yun, blinackmail nya ko na sasabihin nya sa principal at ipagkakalat sa buong university na may relasyon tayo. Pero, ayokong mangyare yun dahil alam kung mawawalan ka ng trabaho, mapapatalsik ka. At ayokong mangyare yun Sehun. Kaya para lang di nya sabihin yun. Sinabi ko sa kaniya na 'lahat gagawin ko, wag nya lang ipagkalat ang sekreto natin' pumayag sya pero may kapalit." Nakikinig sya sakin. Feeling ko nagsisisi sya kung bakit naniwala sya sa Beatrice nya.

He is Byun BaekhyunWhere stories live. Discover now