CHAPTER 9

181 28 5
                                        

JENNIE

TOTOO NAMANG ayoko nang makaalala tungkol sa nakaraan ko. Sabi kasi nila Daddy, Malagim at panget daw ang nakaraan ko kaya mas mabuti nang hindi na ako makaalala, kaya siguro ayaw nila akong makaalala sa pamamagitan ng gamot ko ay nakakalimot ako.

"B-Bakit ayaw mong makaalala?” Tanong ni Kurt. Napapansin ko din ang kamay nyang kanina ay nakahawak sakin; lumuluwag na ngayon.

"Sasabihin ko sayo ang dahilan kapag maayos na ako. Medyo, umiikot kasi yung paningin ko eh.” Sambit ko at pumikit.

Muli nyang hinaplos ang buhok at bumaba yun sa kamay ko. His hands were so hot na para akong nasusunog habang hinahawakan nya ako.

"Okay, Matulog ka muna...” Aniya.

"Wag mo akong iiwan ha?” Paninigurado ko.

Tumango naman sya at kinausap yung doktor sa labas. Ano kayang pinag-uusapan nila?

Ouch! Ang sakit nanaman ng ulo ko!

"KURT, AHHH!!!”

Tarantang pumasok si Kurt pati si Dr. Andres at doon inabot saakin ang isang tableta ng gamot na para lang daw sa sakit ng ulo.

Feeling ko nga medyo nawala na dahil sa gwapong pagmumukha ng doctor ko haaay! Punyeta, ngayon paba ako lalandi?

Ininom ko ito at medyo napangiwi pa ako dahil sa hindi kaaya-ayang lasa nung gamot.

Sinabihan ako ng doktor na magpahinga muna kaya ipinikit ko ang mata ko at doon nawala ang ulirat ko.

NAGISING AKO at muli ko nanamang  naamoy ang nakakasukang amoy ng gamot. Napalingon ako sa gilid ko ng maramdaman ang haplos ni Kurt sa kamay ko.

"Jennie...”

Nagising ako dahil sa malambing na boses ni Kurt habang sinasambit ang pangalan ko.

"Jennie, Ilalabas kana dito. Kaya mo na ba? Kasi mamaya, nag-aalala na sayo yung peke magulang mo..” Sambit nito.

Tumango at at dahan-dahang tumayo. Wala na ang IV na nakaturok sa kamay ko, yung amoy at itsura ng ward.

He held my hand at dumiretso na pharmacy para bumili ng gamot ko.

"Kurt, ako na ang magbabayad..” Utal ko pero hindi nya ako pinakinggan kaya hindi na ako nagsalita pa.

Pinasakay nya ako sa kotse nya at nakaamoy ako ng mabangong amoy mula sa kotse nya.

Strawberries♥ My Favorite!

"Ambango ng kotse mo, Kurt.”

"Salamat! I guess you like strawberry scented things?” Aniya.

FORGOTTEN [Book 2]Where stories live. Discover now