CHAPTER 4

191 18 1
                                    

KUNPIMOOK

GRABE KA NAMAN sakin otor! Bambam nalang kase Hahahaha! Dapat meron din akong POV hindi yung puro nalang bida—Oo, titigil na -_-

Nung nakita ko si Lisa na may kasamang babae, parang nag-iba kaagad ang mood ko. She looks very familiar.

Nung pinakilala sya ni Lisa na kaibigan nya daw—Jennie, yung Jennie, Naalala ko bigla yung sinabi ni Andrew saakin.

"Bro, Diba kilala mo yung Kurt?” Tanong ko.

Tumango naman sya, "Oo, bakit?”

"Balita ko, ikakasal na daw sya?”

"Oo, Dun pa sa babaeng mahal ko, tsk!” Aniya.

"Patingin nga ako ng picture.”

Inabot nya saakin ang cellphone nya at doon ko nakita ang isang magandang babae na singkit ang mata, matabang pisnge.

"May plano tayo para masira natin si Kurt.” Sabi ni Drew habang nakatalikod saakin.

Napakunot yung noo ko, "Ano yun? Bro, siguraduhin mong hindi ako madadawit dyan!”

Nakatanggap naman ako ng isang malakas na batok mula kay Andrew.

"Bobloks? Malamang madadawit ka kasi kasama kitang magplano!”

"Heh! Ayoko, mamaya maging dahilan pa yan ng pag break namin ni Lisa eh!” Sambit ko.

"Subukan mong umatras, isesend ko yung picture nyo ni Hyuna!” Banta nya saakin.

Iyon yung picture nung nasa bar kami ni Drew at nagcecelebrate kasi sinagot na ako ni Lisa. Umiinom ako nun tapos biglang kumandong saakin si Hyuna kasabay ng pagflash ng camera ni Drew.

"Tsk! Oo na, panalo kana!”


"SIGURADO KA ba sa gagawin mo? Baka mapaano ka dyan!” Bulalas ko kay Drew.

Nandito kami sa kotse nya at pinaguusapan namin yung plano. Oo, kasabwat ako. Wala naman akong intention na masama eh. Plano nyang ibunggo yung kotse na sinasakyan nya dun sa sasakyan na drinadrive ni Kurt.

"Oo, Kaya lumabas kana.” Sinunod ko naman sya kaya lumabas na ako. Tamang-tama naman at umikot na ang sasakyan nila Kurt at doon sinalubong ni Andrew.

Napapikit ako ng marinig ko ang napakalakas na tama ng pareho nilang sasakyan. I gasped in horror nung nakita ko ang duguang si Andrew. Hindi ko makita si Kurt ngunit nakita ko ang isang kamay ng babae na duguan, may hinala akong si Kyline iyon.

FORGOTTEN [Book 2]Where stories live. Discover now