CHAPTER 15

157 13 4
                                        

Jennie's POV

Alam ko naman eh. Nagdadahilan lang si Kurt na may lakad sila ng secretary nya para lang magselos ako,well, I'm not.

Agad akong pumara ng Taxi at sinabi kung saan ako bababa at makikipagkita kay Mark.

After 5 mins ay natanaw ko na si Mark sa clear glass ng starbucks at patanaw-tanaw sa kanyang cellphone at parang may hinihintay.

Itetext ko na dapat sya nang bigla syang lumingon sa side ko at ngumiti. Kinawayan ko sya at tumawid narin ako sa kalsada bago pumasok.

"Hey," bati nya.

"Hi...uhm matagal ba ako?"

"Nope. Just 13 mins late," Pagbibiro nya.

Napatawa nalang ako at inalok nyako ng kape at pumili nalang ako ng kung ano dyan.

Pagkaupo ko ay tinanong ko na sya agad, "Bakit? What are we going to talk about?"

"About Kurt-"

"Anong meron sakanya?" Pigil na tanong ko.

Nagsisimula na akong magsuspetsya kay Mark. Is this about the last issue? Galit ba sya kay Kurt? What's wrong?

"Layuan mo na sya." Seryoso nyang batid.

Napangisi ako, "Why would I do that?"

Nagtangis ang kanyang baggang at kitang-kita ko kung paano nagbago ang kanyang mata from cheerful to vivid.

"He's married-"

"I'm his wife." Determinado kong sagot.

He laughed hysterically bago matulis na tumingin sa mga mata ko.

"Really? Pero bakit sya nakikipaglandian sa kapatid ko?" Nakangisi nitong sabi.

Kapatid?

"Sinong kapatid? Tsaka, I'm very sure na hindi nya yon magagawa sakin. Bakit nya pa ako hinanap kung mambababae lang naman sya diba?"

"Ask Claire then," Aniya bago sya tumayo at iniwan ako sa cafe.

Padabog akong tumayo at binitbit yung bag ko with my drink. Ask Claire? Yung babaeng brunette na secretary ni Kurt?

Hindi ko tuloy mapigilang mabahala. Paano kung tama sya? Paano kung nambababae nga si Kurt? Hindi na nya ba ako mahal?

There's one way to find out.

I will find you, Claire.

Nagpara agad ako ng Taxi at dali-daling sumakay.

I pulled out ny earphones to help me free from stress dahil kay Mark. Iniimbita nya ako tapos iiwan mag-isa? Ridiculous!





FORGOTTEN [Book 2]Where stories live. Discover now