Claire's Picture
Kyline's PictureKurt's POV
Nakakabwisit amp*ta! Imbis na ako yung piliin nya, mas pinili nya pa yung IMPORTANTE nya daw na lakad kasama si Mark.
Mas gwapo naman ako dun diba? Haba nga ng leeg nun eh parang ostrich eh ako? Mukha akong kuneho! Saan kayo?!
Padabog akong lumabas ng pinto nya at pagbaba ko ng hagdan ay nakasalubong ko si Tita sa baba na nag-aayos ng hapag kainan dahil mag-aagahan narin.
Nagulat si Tita nang makita ako sa loob ng bahay nila dahil sa bintana ako dumaan ng walang nakakarinig saken.
"Kurt? Iho, anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok? Nag-umagahan kana ba?" Sunod na sunod na tanong ni Tita saken.
Sinubukan kong pakalmahin yung sarili ko bago ako nagmano at sumagot.
"Gusto ko lang po sanang makita si Ky—Jennie tsaka kanina pa pong madaling araw ako nasa loob ng kwarto ni Jennie para bantayan sya. Hindi pa po ako nag-umagahan dahil hinintay ko po si Jennie," Sabi ko.
Napangiti si Tita at sakto naman nun ang pagbaba ni Kyline sa hagdan. Halos lumuwa na yung cycling short ni Kyline sa sobrang iksi ng pencil skirt na suot nya.
Talagang pinaghandaan nya ang lakad nila ni Mark tsk! Napa-iwas nalang ako ng tingin habang naka baba ang kilay.
"Anak! Saktong-sakto at kakain na. Itong si Kurt ay kanina kapa pala hinintay sa kwarto mo! Ohsya, halina kayo at kumain na."
YOU ARE READING
FORGOTTEN [Book 2]
Fanfiction»HIS LOVE BURNED YOU AND YOU'RE SORRY. «YOU'RE SORRY BECAUSE YOU BECAME THE ASH THAT HE BURNED. Will their love be just like before? Or it will be remained forgotten forever... FALLEN STARS [BOOK 1] FORGOTTEN [BOOK 2]