REQUESTER: Carmela/ JLoPadilla
NOTE TO THE REQUESTER: Pasensya kung medyo natagalan, nawalan kasi ng internet samin eh. PEACE. ^.^V
If you just let me... love you.
Habang ninanamnam mo ang sariwang hangin at nakaupo sa ilalim ng malaking puno ng Acacia. Kitang-kita ka naman ni Luhan sa di kalayuan at pinagmamasdan ang iyong kagandahan.
"Haaaaay. Ang ganda talaga ni Carmela, kelan niya kaya ako mapapansin?" sabi ni Luhan habang pinagpapantasyahan ka.
Busy ka lang sa pag-appreciate ng scenery at ito namang si Luhan ay busy sa pag-appreciate sayo. Hindi mo naman talaga kilala si Luhan dahil hindi mo naman ito nakakausap, nato-torpe kasi sayo si Luhan kaya hindi ka niya makausap.
"Eto na ang araw para lakasan ang loob mo, Luhan! Fight! Fight!" pag-cheer ni Luhan sa sarili niya. Gustong-gusto na talaga niyang makausap ka't maligawan pero hindi siya magka-chance dahil masyado kang nakaka-intimidate para sa kanya.
Huminga siya ng malalim at sinigaw ang pangalan mo, "CARMELA!"
Hindi ka lumingon, bakit kamo? Dahil naka-earphones ka at full volume pa yung pinapatugtog mo kaya hindi mo siya narinig.
Inulit niya muli ang pagtawag sayo, "CARMELAAAA!"
Hindi ka parin lumingin dahil nga... BINGI KA. Ay, mali, scratch that part. Dahil naka-earphones ka nga.
Napa-pout si Luhan dahil nalungkot siya, hindi mo min lang siya nililingon at pakiramdam niya'y wala ka talagang pakielam sa kanya. Lalo tuloy siyang napaghihinaan ng loob na baka kahit kelan ay hindi mo na siya mapapansin.
Hanggang sa tinawag ka na ng kaibigan mo't naglakad na kayo pabalik sa school, sumunod na lang sayo si Luhan nang palihim.
Nang makarating kayo ng school niyo eh saktong recess time na, wala naman kasi kayong ginagawa sa school niyo dahil medyo busy ang mga teachers for the upcoming Graduation Day. Dumiretso na kayo sa canteen ng kabigan mong si JLo at sumusunod naman sainyo si Luhan papunta doon.
Umorder na kayong dalawa ni JLo at naupo sa bakanteng mauupuan, umupo naman si Luhan malapit sa kinauupuan ninyong dalawa.
Napansin naman ni JLo ang pagsunod ni Luhan sa inyong dalawa, "Carmela, wala ka bang napapansin dun sa lalaki, parang kanina pa sumusunod sa'tin eh."
Tinignan mo naman si Luhan at sinabing, "Hindi naman siguro." Kumain ka na lang ng inorder mo't hindi na pinansin ang sinabi ni JLo.
Tumingin naman sayo si Luhan habang kumakain ka, he finds it cute when you eat. Everything you do is cute for him, ganun ka niya ka-gusto.
Naglakas loob na talaga si Luhan, magsalita. "Hi, Carmela." bati niya sayo.
Parehas naman kayong nagulat ng kaibigan mo sa pagsasalita ni Luhan.
"Kilala mo si Carmela?" pagtatanong ni JLo kay Luhan.
"Oo. Ahm... Carmela, pwede ka bang makausap?"
Medyo kinabahan ka sa sinabi ni Luhan, hindi mo naman siya super kilala pero kung makapagsalita siya'y close na close kayo, ayaw mo sa mga ganung tao.
"Ahm. Teka, kilala ba kita?" tanong mo sa kanya.
Umiling siya, "Pero... pwede naman akong magpakilala eh, ako si--"
Hindi mo n asiya pinatapos ng sasabihin, "Ahm. Pasensya na ha? Hindi ako mahilig makipagusap sa mga taong hindi ko kilala. Tara na, JLo." hinigit mo na palayo ang bestfriend mo.
BINABASA MO ANG
RANDOMNESS OF EXO(SCENARIOS)
ФанфикшнLAUGH HARD BA KAMO? DIE HARD KAYA? DE, JOKE. xD ORIGINAL SCENARIOS MADE BY YOURS TRULY! VOTES AND ADDING TO READING LISTS ARE DEFINITELY APPRECIATED. COMMENTS ARE SUPER HIGHLY APPRECIATED. SUGGESTIONS ARE SUPER DUPER APPRECIATED. NOT TAKING REQUEST...
