REQUESTER: DoKyungSooIsOnlyMine
NOTE TO THE REQUESTER: Bhe! Sorry kung natagalan 'to ng konti, medyo kumukuha ako ng inspiration eh, kaya natagalan. Hope you can understand. :)
X for a soft kiss and O for a circle hug.
"Dude! Pasa mo yung bola dito!"
"Dude! Pass it here! Hey! Dude!"
"Oh! Depensa! Depensa!"
Habang todo sigaw sa mga crushes nila ang barkada mo sa kinakaupuan niyo sa bleachers, busy ka naman sa pagsigaw ng "GO, KUYA KRIS!" kapatid mo kasi si Kris na captain nung basketball team na naglalaro. (Wag ka nang maarte. Pasalamat ka, Kuya mo si Kris dito. xD)
At sa kasulok-sulukan naman ng sulok, pinapanood ka lang ni D.O na sobrang patay na patay sayo. As in SOBRANG... PATAY NA PATAY. Mas addict pa sa addict, kung baga mas malala na sa naka-marijuana.
"Ang ganda talaga ni Katrina. ^___^" sabi ni D.O sa isip niya.
Matagal nang may gusto sayo si D.O, ilang taon na niyang tinatago yun. Simula pa nung elementary kayo eh patay na patay na talaga siya sayo, masyado lang talaga siyang torpe. Hindi niya masabi sayo dahil super intimidated siya sayo.
Busy ka sa pagche-cheer sa Kuya mo, busy si D.O sa pagpapantasya sayo. Walang ingay siyang nariring basta isang cheesy love song at ang slow motion mong movements ang pumapasok sa isip niya. Ganyan siya ka-baliw sayo, tinalo pa niya ang totoong baliw.
Natapos ang laban na ang final scores ay 75-60. Shempre, panalo ang team ng kapatid, sa tangkad ba naman ng kapatid mo eh matatalo pa kaya sila? Natapos na ang laban at lahat-lahat, hindi pa rin tinitigilan ng mga malalaking mata ni D.O ang pagmumukha mo, isang oras lang ata siyang nakatingin sayo.
"Kristina! Babye na ha? Pasabi na lang, congrats kay Kuya mo." sabi naman ng isa sa kabarkada mo.
"Oh sige! Babye! Ingat kayo. ^__^" sabi mo naman sa kanila.
You waved goodbye to your friends as they fade to your vision. (Toinks! Ano raw? English oh! Sakit sa nose! xD)
Agad ka nang tumakbo sa Kuya mong pawisan na nakaupo sa bleachers, "Kuyaaaa! Ang galing! Ang galing-galing talaga... ng mga ka-team mates mo. :P" pang-aasar mo naman sa kanya.
"Sira ulo. -___- Umalis ka nga dito." pagtataboy sayo ng kapatid mo.
"Eto namang si Kuya oh! Di mabiro. =3="
"Tss. Pagod na nga ako, mang-aasar ka pa." kahit kelan, COLD ng kapatid mo sayo. Well, kahit kanino naman eh cold yan, di nagmana sa hotness ko. (Hahaha. Nababaliw yung nagsusulat, pasensya na. xD)
"SORRY POOOO~" chichay ang peglalu mo.
Habang naguusap kayong magkapatid, hindi parin umaalis si Kyungsoo na nasa sulok, patuloy lang siya sa pag-subaybay sayo daig pa ata niya ang Sasaeng fans pero mas mabait naman siya at may respeto sayo di tulad ng mga sasaeng fans.
**~**
Nakauwi kayo ng kapatid mo ng maayos at naging maayos naman ang lahat maliban lang kay D.O.
"Tanga ko talaga! Bakit ba hindi ko pa siya kausapin?! TANGA KO!" pagse-sermon ni Kyungsoo sa sarili niya habang nasa loob siya ng kwarto niya.
"Oo, isa kang malaking TANGA. Andun na yung grasya eh iniwasan mo. TANGA mo, dre." biglang sulpot naman ng roomate ni Kyungsoo galing banyo, si Kai.
BINABASA MO ANG
RANDOMNESS OF EXO(SCENARIOS)
FanfictionLAUGH HARD BA KAMO? DIE HARD KAYA? DE, JOKE. xD ORIGINAL SCENARIOS MADE BY YOURS TRULY! VOTES AND ADDING TO READING LISTS ARE DEFINITELY APPRECIATED. COMMENTS ARE SUPER HIGHLY APPRECIATED. SUGGESTIONS ARE SUPER DUPER APPRECIATED. NOT TAKING REQUEST...
