My Hero(Special Request)

5.9K 88 13
                                    

S/N: The other requesters hindi ko po alam kung kelan pa ako makakagawa. PASENSYA PO. Sana maintindihan niyo. :)))

REQUESTER: KRISpiness

NOTE TO THE REQUESTER: Hindi ko alam kung maganda ang kinalabasan nito, bhe. Medyo mahirap yung request mo. Haha. Sana magustuhan mooo. ^___^

I never expected you as my hero...

"W-wag! WAG PO!"

"Tama na po! Hindi na po namin kaya!"

"Please? Pakiusap pooo... hindi ko na po ulit kayo gugulihin! TT^TT"

"Mga ungas! Anong akala niyo sakin? Pokpok ha?! Sa uulitin, kung mangre-rape kayo, SIGURADUHIN NINYONG MAPAPATUMBA NIYO!" sigaw mo dun sa tatlong lalaki na re-rapin ka sana.

"Opo! Opo! Opo!" sabay-sabay na sinabi nung tatlo at halatang-halata na takot sayo. Sino bang hindi matatakot sayo? Halos mabali na ang mga buto nung tatlo dahil sa pagbugbog mo. Isa kang brutal na Gangster, bihira lang sa mga babae ang maging tanyag na Gangster. 

"Anong OPO? MUKHA BA AKONG MATANDA SA INYO HA?!" dinaig mo pa ang Amazona sa sobrang bangis mo.

"Waaah! Hindi na! Hindi naaaa. TT^TT" kulang na lang ata eh umiyak sa harapan mo yung tatlo.

"Oh ano pang hinihintay niyo? LAYAS MGA UNGAS!" at agad namang kumaripas ng takbo yung tatlo.

"WAAAAH!" sigaw pa nila na parang mga bakla habang tumatakbo palayo.

Hinablot mo na ang bag mo na nasa sahig at pinagpagan ito ng konti, winahi ang buhok mong lugay at naglakad na. Ikaw si Trisha Cabral a.k.a "The Mafia Princess" of Philippines, takot sayo lahat... lalong-lalo na ang mga studyante sa school na pinapasukan mo. Ayaw mo ng makulit, maingay, magulo, panget, masyadong maganda o gwapo, sobrang yabang, masyadong mabait, nerd, nagpapa-cool... in short, LAHAT ng klase ng tao, AYAW mo.

Hindi mo kayang makisama kahit kanino, maselan ka sa lahat ng tao kaya mas ginugusto mong maging LONER. Mayaman ka naman, nag-iisa kang anak ng mga Cabral pero mas gusto mong maging independent. Ang pera na binibigay sayo ng parents mo, ginastos mo para makabili ka ng condo unit mo. You can live your own, you love living on your own.

Isa kang SIGA pero LONER.

**~**

Ayan na naman ang malamig na imahe mo, naglalakad ka sa mahabang corridor ng school niyo. Lahat nakatungo, lahat umiiwas ng tingin, lahat ayaw mabugbog dahil sayo. Kapag kasi may tumitingin sayo, agad mong pepektusan. Ganun ka ka-brutal.

Hanggang sa dumating ang isang TANGA na transferee, hindi siya tumitingin sa daan kaya naman...

And your temper went high up to the Mount Everest.

"ANO BA?! Dumadaan ako, ba't ka humaharang-harang at dadagilin pa ako ha?!" matangkad siya kaya nakatingala ka sa pagsigaw sa kanya.

Tumungo naman siya para makita ka, "Ay. Pasensya na, miss... hindi kasi kita napansin."

"ANONG SABI MO?! HINDI MO KO NAPANSIN?!" pakiramdam mo eh nanliit ka sa sinabi niya. 

"Ah eh... hindi ko naman sinasadya, Miss. A--ARAY! ARAY! Teka lang, Miss! AAHHHH!" hinila ang tenga nito hanggang makarating kayo sa may mga lockers.

"Tanga ka rin noh?! Ikaw four-eyes ka ah! Umayos ka! Kung bago ka pa lang dito, pwes! Pagbibigyan kita pero isang beses mo pa akong banggain, BABALATAN KITA NG BUHAY!" at itinulak mo na siya ng malakas na naging cause ng pagtama ng likod niya sa mga lockers. Kinuha mo ang salamin na suot-suot niya at tinapon ito sa basurahan, nagsimula ka na muling maglakad papunta sa room mo.

RANDOMNESS OF EXO(SCENARIOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon