My Twisted Lovers(Special Request)

5.6K 58 6
                                    

S/N: Last granted request ito, guys. Sinabi ko namang hindi na ako gumagawa diba? Sana maintindihan niyo. :)))

REQUESTER: WinterVoice

NOTE TO THE REQUESTER: Here na your request, bhe. Sana magustuhan mo at sana maging maganda ang kalabasan nito. Hahaha. xD Enjoy! :)))

When love strikes crazy people, this happens...

Naglalakad ka kasama ang baklang hindi mo maintindihan kung nagpapaka-paminta o wala lang magawa sa buhay, papunta kayo sa bagong bukas na carnival malapit sa may subdivision mo. 

"Hoy, bakla. Bakit amoy masangsang na isda ka ngayon ha?" pang-aasar mo sa kanya dahil may naamoy kang pabango ng lalaki.

"Huh? Oy, gull ah! Hindi ako smelly! Ang bango ko kaya! Ika--" natigilan naman siya dahil may naalala siyang dapat ginagawa niya ngayon.

"Ehem. Ehem. Ibig kong sabihin eh... hindi ako mabaho ah. Amoy lalaki lang talaga ako." bigla niyang pinalalim ang boses niya.

Napataas naman ang kilay mo dahil kanina pa siya weird kung umakto, "Naka-shatol ka noh? Naka-rugby? Anong drugs yang hinihithit mo? Tyka... mukhang hindi ka ata naka-eyeliner ngayon tapos hindi kulay pink ngayon ang suot mo. Malaki ata problema mo ngayon ah." comment mo sa kanya habang tinitignan niya from head-to-toe.

"H-huh?Ano ka ba? Wala akong problema at tyka bakit ako magda-drugs? Wala akong balak sirain ang buhay ko." sabi niya habang hindi makatingin sayo ng maayos.

"Hindi eh. May iba sayong bakla ka, ano bang nangyayari sayo ha?" pagdidiin mo ng tanong mo.

"Wala ngaaaa." sabi niya habang iniiwas parin niya ang tingin sayo.

"Kung walang problema tignan mo ko! Hindi yang napaghahalataan kang may tinatago, hampasin kita ng gulong ng pison eh!" banta mo naman sa kanya.

Tumingin naman siya diretso sa mga mata mo, "Ano... ahm... eh... WAAAH!" tumakbo siya palayo sayo na para bang nakakita ng isang nakakalurking monster.

Hinayaan mo na lang siyang tumakbo na parang timang dahil mas trip mong pumunta ng carnival mag-isa, bukas mo na lang siya kakausapin about sa pagiging weird kapag sinipag ka bukas.

**~**

Habang kumakain ka ng dirty ice cream sa may tapat ng bahay mo eh bigla namang sumulpot ang bakla mong kapit bahay na si Baekhyun.

Umupo siya sa tabi mo, nakaupo ka kasi sa isang bench. "Ahm. Sorry pala kahapon ah? Ano eh... nakakita ako ng white people. Takot ako dun diba?" (EXO FACT: Baekhyun fears white people. Hahaha. xD)

"Ayos lang. Mas trip ko nga mag-isa eh." prente mong sinabi habang kumakain ka ng ice cream.

"Ay? Ayaw mo kong kasama? :3" bulong niya kaya naman di mo masyadong narinig.

"Huh? Anong sabi mo?" tanong mo.

"Wala. Ah eh... may gusto sana akong sabihin." pag-iiba niya ng topic.

Tumaas naman ang kilay mo at sinabing, "Ano naman yan? Uutang ka na naman sakin noh?"

"Oy! Hindi ah. Ano... ahm." huminga ng super lalim si Baekhyun at...

"ELAINE! BFF! ^___^" bigla namang sumulpot na parang kabote itong si Tao na mukhang panda pero hindi mataba na BFF mo.

Kumunot naman ang noo ni Baekhyun dahil bigla-bigla na lang susulpot itong si Tao eh may importante siyang sasabihin sayo. "Anong ginagagawa mo dito?" cold na tanong ni Baekhyun kay Tao.

RANDOMNESS OF EXO(SCENARIOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon