His Tears(Special Request)

6.4K 98 18
                                    

S/N: Gusto ko lang sana magpasalamat ng bonggang-bongga for your votes and comments. Maliit na bagay man, sobrang nagpapasaya sakin yan. Yung sinasabihan ako ng "otor/author/idol", MY GHAD! I kennat! xD Feeling author lang naman ako. Hoho! xD Salamat talaga, guise! :")

REQUESTER: dabitter1

NOTE TO THE REQUESTER: Sana magustuhan mo 'to, bhe. Matanong lang, bakit ang dami ninyong gusto ng sad theme? Hahaha. xD Pero grabe! Ang story na'to... RELATE AKO. Haha! Baka mamaya nyan, maiyak ako. xD

When a troll cries, something inside of him... dies.

Habang nagbabasa ka sa phone mo ng wattpad story, ayan na naman ang kinakatakutan mo. Si Chen, ang ultimate ENEMY mo. Walang araw na hindi kayo nag-aaway dahil sa ka-trollan niya, walang araw na hindi mo siya nasasapak, walang araw na hindi mo siya namumura, walang araw na hindi ka niya titigilan na asarin. 

"Hello! ^__^" bati ni Chen.

"Umalis ka na dito! Ayokong masira na naman ang araw ko!" pagpapalayas mo naman sa kanya, agad-agad.

"Excuse me? I'm not talking to you, I'm talking to the tree. Isn't that right, tree? ^__^" niyakap pa niya yung puno, mukha tuloy siyang tarsier.

Nag-roll eyes ka na lang kay Chen kesa patulan mo ang kabaliwan nito. Pinagpatuloy mo na lang ang pagbabasa ng story sa phone mo.

"Hoy, Chestnut. HR ka noh?" Chestnut ang tawag niya sayo instead na tawagin ka niya sa name mong Cheska.

"Umalis ka na. -__-" you said without even looking at him.

"Bakit? Pamamayari mo ba ang quadrangle ha? Di naman diba? Kung makapag-palayas ka dyan. :P" pagpipilosopo naman niya.

"Alam mo, mas peaceful ang mundo kung wala ka." 

"Sus! Boring naman ng mundo kung wala ako noh?" sabay hablot niya sa phone mo.

"Hoy! Ano ba?! Akin na nga yang phone ko!" naiinis mong sinabi sa kanya.

Gusto mo mang kunin sa kanya ang phone mo, sa kasamaang palad... mas matangkad siya sayo. Tumikda ka man, hindi mo parin maabot ang phone mong nasa kamay ni Chen.

"Hahaha, Sabi ko na nga ba eh, HR ka." tawang-tawa na sinabi ni Chen.

"Ano bang pinagsasasabi mong HR dyan ha?!" napipikon ka na sa sinasabi niyang HR, hindi mo kasi ma-gets.

"Hahahaha! Ang slow mo! SUPER SLOW! Daig mo pa ang pagong eh." pang-aasar na naman sayo ni Chen.

"Hutabells! Kung sinasabi mo na lang kasi kung ano yang HR na yan edi wala nang problema!" umiinit na naman ang dugo mo kay Chen at para bang gusto mo na siyang sapakin.

"Hahahaha! Ikaw lang naman ang may problema eh, ang slow mo kasi! xD" 

Nainis ka na talaga ay bigla mong binatukan si Chen, muntik pa niyang mabitawan ang phone mo. "Ano?! IBIBIGAY MO YUNG PHONE KO SAKIN O BABATUKAN ULIT KITA?!" ayan na naman ang monster mode mo.

"Pfffft! Oh ayan na phone mo." akmang ibibigay na sayo ni Chen yung phone mo, nung kukunin mo na, tinaas niya muli ito.

"ARGH! Chen naman eh! Hindi lang kita mababatukan, mapapatay na kitaaaa!"

"Hahahaha! Beg for your phone, first. :P" dinilaan ka pa ng mokong.

"You! Aish! Ayoko nga! You're no worth it for my begging! Bibili na lang ako ng bagong phone! Tss." kinuha mo na yung bag mo't sinakbit na ito sa balikat mo. Nagsimula ka nang maglakad palayo dahil sa isip-isip mo'y wala namang pupuntahan ang pag-aaway ninyo ni Chen.

RANDOMNESS OF EXO(SCENARIOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon