Kumakabog Na Heart(Special Request)

6K 99 11
                                    

S/N: Oo nga po pala. Kung magre-request kayo... PAKILAGAY PO ANG INYONG PANGALAN AT SABIHIN KUNG SAD/HAPPY OR KAHIT ANO MAN YAN. PWEDE NAMAN PO DIBAAAA? ^___^

REQUESTER: baekkie_

NOTE TO THE REQUESTER: Pasensya kung natagalan, bhe! ^___^V

OH EHM GEE. When I see you... KUMAKABOG NG BONGGA ANG AKING HEART! 

"HOY! Baklang haliparot! Anong ginagawa mo dyan?!" sigaw mo kay Baekhyun na sitting pretty sa bleachers at nanunuod ng nagpa-practice ng basketball.

Slow motion naman siyang tumingin sayo at nagpa-pretty eyes pa, "Nanunuod. Diba obvious?"

You squinted at biglang hinila ang tenga ni Baekhyun, "A-aw! Aw naman gull! MASHAKET! >O<" reklamo naman niya.

"Leshe ka! Kanina pa kita hinahanap para matapos na yung project na'tin pero lalaki naman ang inaatupag mo!" galit na galit mong sinabi sa kanya.

"Keribels mo na naman yan, gull! NERDatron ka naman eh! Dito muna akey, ang daming HOT papa! *Q*" malandutay na sinabi ni Baekhyun sabay flip ng bongga niyang hair.

"Ah ganun?! Sisiguraduhin kong hindi ka na mabibigyan ni Mrs. Reyes ng maayos na grade! Tamad na nga... MALANDUTAY PA!" at nagwalk out ka na. Kanina ka pa naiinis dyan sa bestfriend mong bakla, hindi na nga tumutulong dun sa project... nagawa pang lumandi.

**~**

"Preeeend. Sorry naaaaaa." pagsusuyo sayo ni Baekhyun habang nasa canteen kayo.

"Umalis ka sa harapan kong bakla ka kundi ibubuhos ko 'tong juice sayo. -__-*" galit mong banta sa kanya.

"Prend naman kasiiii. You know? Ahm. Dali naaaa, sorry naaaa." patuloy parin na pagso-sorry sayo ni Baekhyun.

"Bakla ka! Umalis ka na muna kasiii! Wala akong time para tanggapin yang leshe mong apology." akmang magwa-walkout ka sana pero hinila ni Baekhyun yung palda mo, hayaan mo na... mahaba naman yung palda mo. Haha. xD

"Baekhyun naman eh! Wag mong hilahin yang palda ko, bakla ka talaga!" pinalo mo yung kamay niya.

"Ouchie naman gull! Ikaw kasi eh! Magwa-walkout ka na naman, lemme explain muna kaseee." sabi naman nung bakla.

"Explanation? Oh sige nga! EXPLAIN." umupo ka na ulit.

Huminga ng malalim si Baekhyun, "Gull, ganito kasi yun... may iniiwasan kasi ako kaya hindi ko kering gumawa ng project. May iniiwasan talaga ako eh!" 

"Iniiwasan? Sino naman ang iniiwasan mo?" pagtataka mo.

"Hindi! Isang feeling ang iniiwasan ko!" sabi naman niya.

Napakunot naman ang noo dahil ang gulo ng bakla, "Ewan ko sayo! Gagawa ka na nga lang ng explanation, hindi ko pa ma-gets!" reklamo mo.

"Gull! Matalino ka naman eh, keri mo nang intindihin yun dibaaa?" 

"Ay naku. Ewan ko sayo. Tss." 

"So ano, gull? War pa ba tayo?" pagtatanong naman niya sayo.

Tinitigan mo naman siya ng mabuti, "Hindi na... siguro."

Nanlaki naman ang mga singkit niyang mata at bigla kang niyakap ng todo, "Uwaaaa! Yehet! Bati na kami BFF. Ahihi. ^__^" masayang-masaya na sinabi ng bakla.

"Eh? Bitawan mo nga ako, Baek. Pagkamalan ka pang LALAKI dyan, higpit mong yumakap!" sabi mo naman.

Napabitaw naman siya agad, "Ewe. Ganda ko namang lalaki noh? Hmp. *flips her este his hair*"

At nagbati na kayong dalawang mag-BFF.

**~**

Habang nagmo-model si Bacon sa corridor ng school niyo, nahagip naman ng pretty eyes niya ang pag-uusap ninyong dalawa ni Chanyeol. Pinag-uusapan ninyong dalawa ang kabaklaan ng bestfriend mo, nagtatawanan kayong dalawa. Hindi maintindihan ni Baekhyun ang pinag-uusapan ninyo kaya naman inakala niyang naglalandian kayong dalawa.

"Oh... my... God." ang tanging lumabas sa labi niyang puno ng lip balm.

Nang matapos ang pag-uusap ninyo ni Chanyeol, agad-agad lumapit sayo ang bestfriend mo.

"GULL! Oh ehm! Bakit mo kinausap si Chanyurr ha?!" galit na tanong sayo ni Bacon.

"OA mo naman. Kina--" hindi ka niya pinatapos ng pagsasalita.

"Alam mo bang nagseselos ako ha?!" galit parin siya.

"Bakla ka talaga! Hahaha. Alam kong crush na crush mo yang si Chanyeol pero duh? Hindi naman ako papatol dun sa tao noh?"

Natigilan si Baekhyun. Iba ang ibig niyang sabihin sa pagseselos niya. Hindi siya nagseselos dahil crush niya si Chanyeol... iba ang rason.

"Hoy! Bakla! Okay ka lang?" pansin mo naman sa kanya dahil nakatunganga lang siya.

"H-huh? A-ay naku! Babush na lang, gull. M-may... may gagawin pa ako!" at tumakbo na palayo sayo si Baekhyun.

"Hoy! Baklang yun, ano na namang problema nun?" pagtataka mo.

**~**

"Hindi 'to pwede! Na-hide ko na 'to, matagal na! Hindi talaga pwedeee!" parang baliw na nagsasalita mag-isa si Baekhyun sa loob ng cubicle, nasa CR siya.

"Bakit ba ang shungaers ng hart-hart ko? Nakakalurki! Di talaga ito accept! My Ghad! Bakit ba kasi... bakit ba kasi kumakabog ang hartlalu ko para kay Daryan?! Nakaka-leshe! True-lalu ba talaga 'to? Isang baklush na tulad ko... mai-inlove sa babaeng nerd na yun? Ay naku! Naste-stress ang eyeliner ko!" at nagsalita pa ulit ang bakla. Oo, matagal nang tinatago ni Baekhyun ang pagtingin niya sayo dahil feeling niya eh para siyang tanga, bakla siya pero may mahal siyang babae. Mukha tuloy siyang tomboy.

"Kung mahal mo talaga siya, wag mong itago. Sabihin mo, bahala ka... magsisisi ka sa huli."

"Ay! Echoserang frog! SINO KA?!" gulat na gulat na sinabi ni Baekhyun dahil hindi niya ine-expect na may tao pala sa loob.

"Haha. Chanyeol, bro. I knew it, malambot ka lang. Wag mong sayangin ang oras, hangga't andyan pa si Daryan. Mahal mo siya diba? There's nothing wrong with loving someone like Daryan. Kung ayaw mo, aagawin ko sayo si Daryan, oh ano? Deal?"

Agad lumabas si Baekhyun sa cubicle, "Hindi naman ata ako papayag nun noh?!" galit na sinabi ni Baek.

"Hahaha. Mahal mo nga siya. Wag ka nang magpakatanga, puntahan mo na si Daryan at sabihin mo ang totoo." at tinulak ni Chanyeol palabas si Baekhyun ng CR.

**~**

Habang nagbabasa ka ng encyclopedia, bigla namang sumulpot sa harapan mo ang nagpa-panting na si Baekhyun.

"Oh? Ba't hingal na hingal ka, Baek?" pagtataka mo't inilapag ang encyclopedia mong binabasa sa may bangko.

"May sasabihin ako!" sigaw niya.

"Okay! Di mo kelangang sumigaw noh?"

"When you look at me... when you smile... when you do cute things... when you... when you're there and when you I look into your eyes..." 

"Shet! KUMAKABOG NG BONGGA ANG HEART KO! >O<"

Napanganga ka naman sa mga sinabi niya. Parang hindi keri ng brain mo yung mga sinabi niya, ayaw na tuloy mag-function ng maayos yang mga brain cells mo.

"A-anong... anong sabi mo?" halos tumulo na yung laway mo sa pagnganga mo dahil hindi mo parin maintindihan ang sinabi ng baklang mong BFF.

"Ay naku! Ang baklang 'to, mahal na mahal ka! Pa-kiss!" at hinalikan ka niya sa lips... it was a simple smack. It was a simple sweet thing a gay can do to a girl like you. Hindi mo man siya naintindihan... yung puso mo, naiintindihan siya.

Remember, gays are manlier than men out there. I'm proud to have a Gay Boyfriend. ^__^

**~**

GOD BLESS.

DoubleADR~

RANDOMNESS OF EXO(SCENARIOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon