Alamat Ng Height Ni Suho-Gramps

7.8K 113 14
                                    

STICKY NOTE: Wala lang. Gusto ko lang umepal at gumawa ng mahiwagang joke na WALANG KWENTA. Oy! Tumawa kayo ah? xDDD

ALAMAT NG HEIGHT NI SUHO-GRAMPS...

Noong unang panahon may isang lalaki na nagngangalan na SUHO.

Napaka-gandang lalaki nito, may makinis na balat at mayaman pa.

May isa nga lang problema, PANDAK siya. (Pffft. Wala lang. Natatawa ako. Haha. xD)

Ginawa na niya ang lahat, nagtatalon tuwing bagong taon.

Tulog ng tulog tuwing tanghali.

Laklak ng laklak ng mahiwagang gamot na tinatawag na CHERRIFER pero walang epekto sa kanya.

Lahat-lahat na, ginawa na niya. Sadyang hindi tumatalab ang mga pamamaraan niya.

Hanggang sa may kumakalat na balitang may namimigay ng tangkad sa kabilang baryo. 

Hindi na siya nagdalawang isip pumunta roon hanggang sa naabutan niya ang isang lalaki na mukhang albularyo, si Chen-bularyo.

"Manong, saan ba rito namimigay ng tangkad?" tanong ni Suho sa kanya.

"Dito at ako ang namimigay." sabi ni Chen-bularyo.

"Talaga ho?! Pwede niyo po ba akong bigyan?!' tuwang-tuwa na tanong ni Suho.

"Hahaha. Pinakyaw na namin, brad! Kita mo naman height ko oh? 6 footer!" ika ng isang derp e-este lalaki na nagngangalan na Chanyeol.

"Kinuha na naming tatlo ang pinamimigay na tangkad. 6 footer din ako oh." saad nung isa na dinaig pa ang 10 araw na hindi na tulog dahil sa laki ng eyebugs na si Tao.

"Bish, please. 6'1 here. Bish ain't got a chance to be tall." sabi ng isang tulisan e-este sabi ni Kris.

"Hahahaha! Oo! Pinakyaw na nila ang pinamimigay kong tangkad. Kaawa-awa ka naman, habang buhay ka ng... PANG-KINDERGARTEN ang height. Pfffft. HAHAHAHA!" sabi ni Chen-bularyo.

"AHHHH! BAKIT?! BAKIT GANUN KALUPIT ANG MUNDO SAKIN?! Maputi naman ako ah! Mayaman ako! Pero... BAKIT PINAGTAKWILAN PA AKO NG HEIGHT?! TTOTT" 

Ang kaawa-awang si Suho ay nabigo sa... HEIGHT.

(Damayan natin si Suho-gramps, guise. At damayan niyo rin ako sa SOBRANG CORNY nito. HAHAHAHAHA! xD)

GOD BLESS.

DoubleADR~

RANDOMNESS OF EXO(SCENARIOS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon