Chapter 1

13 0 0
                                    

Athena's POV

"Beshie!Wait!"sigaw ni Miranda sa akin habang tumatakbo.

"Bakit?"tanong ko naman at hinihintay siyang umabot.

Hingal na hingal ang kaibihan kong napaka maarte.

"Meron ka na bang sagot sa number five?"tanong niya rin kapa ang dibdib niya sa hingal.

Assignment ang pinag uusapan namin.Kailangan na kasi naming magpasa mamaya sa next subject.

"Sabi pala ni Vitinna kokopya na lang daw siya sa kaklase nating si Marjorie."sagot ko.

Oo.Ako si Athene Montalvan na hindi naman bobo subalit tamad sa gawaing school.

Leader ng mga bulok na grupo ng students na tamad mag aral.

Hindi naman sa tamad kaya lang...wala talagang panahon pagdating sa bahay.

"Ay ayos!Doon na tayo kumopya!"bulalas niya at dali-daling tumakbo sa classroom.

Aray!Ang sakit ng katawan ko!

"Oh!napano ka?"tanong ni Miranda sa akin.

Hindi ako nagsalita ngunit tumingin ako sa kanya.Halos hindi ko maigalaw ang binti ko sa sakit.

"Teka!Ilang balde na naman ng tubig ang hinakot mo kahapon?"tanong niya ulit sa akin habang nakalagay ang magkabilang kamay sa baywang.

Alam niya na talaga kung ano ang ginagawa ko araw-araw.

"Alam mo Besh...Hindi na talaga matino yang pagmamaltrato sa'yo ng nanay mo!"galit niyang sabi.

Napabuntong hininga ako.

Hindi ako sampid pero sa aming lahat na magkapatid ay naiiba ang pagturing ng aming ina sa amin.

Hindi ko nga alam kung minsan na wala naman akong kasalanan ay napag iinitan ako ng ulo at kinaiinisan ng ina ko.

Maayos naman ang aking ama sa akin.Subalit ang aking mga kapatid ay wala na talagang galang sa akin gaya ng ina ko.

Natapos na namin ang pag aaral ngunit malayo pa rin ang iniisip ko.

"Andito na po ako ma..."bati ko sa aking ina pagdating ko sa bahay.

"Feelingera!Mag-igib ka ng tubig!"sabad ng nakatatandang kapatid ko.

"Oo na.Magbibihis lang ako!"sagot ko sa kanya.

Napakataray niya talaga.Pareho lang naman kaming hindi pa nakatapos pero kung umasta siya para siyang reyna.

"Hoy!Wala ka na ngang naitutulong dito ganyan ka pa kung sumagot!"galit na sigaw ni mama sa akin.

Sumasagot lang naman ako ng tama sa kapatid ko.

Hindi ako magtatakang sa kanya nagmana ang aking kapatid!

Hindi ko maintindihan sa pamilya ko kung bakit ganito ang turing nila sa akin.

"Aalis na po ako."wika ko sabay bitbit ng dalawang baldeng lagayan ng tubig.

My Typhoon LoveWhere stories live. Discover now