Chapter 13

2 0 0
                                    

Athena's POV

Pinakiusapan ni Tita Evitha na ilihim muna ang pagbubuntis ko habang pumapasok pa ako sa school.Titgil na lang daw ako kapag medyo malaki na at mahahalata na ang tiyan ko.

"Tita...thank you po!"nakangiting wika ko kay Tita pagbaba ko sa kotse niyang bago.

"Oh!Ingat ka!Kain sa tamang oras!"nakangiting sagot niya rin bago tuluyang umalis.

"Athena di ba?"wika ng isang babae sa likuran ko.

Napalingon ako ng marinig ang pangalan ko.

"Bakit?"

"Mukha yatang pinaglaruan ka lang ni Derick."sagot niya.

Napakunot noo ako at tinitigan siya.

"Ano'ng ibig mong sabihin?"tanong ko sa kanya kasama ang mga kaibigan niya.

"Hindi mo pa ba alam?May kasamang babaeng sophisticated ang knight and shining armor mo!"mataray niyang sagot.

Ah!Baka yong babaeng sinasabi ni Derick na ex niya.

Patuloy lang ako sa paglalakad papuntang room nang madaanan ko sina Cellie.

Bumalik na pala ito at may kasama pang babaeng blonde ang buhok.

"You mean her?!Really?"tanong ng babae nang matapat ako sa kanila.

"Yes!Exactly!She's so paranoid!"pang iinsulto ni Cellie sa akin kasama ang mga kaibigan niya.

Napalunok ako at umalis.Iiwasan ko na lang sila dahil wala naman akong mapapala sa kanila.

Naupo ako sa upuan ko at inaayos ang gamit ko.

"Bagay talaga ang white rose sa mga baby na katulad mo!"wika ng isang boses sa likuran ko sabay lapag ng puting rosas sa mesa ko.

Napatingin ako sa kanya.Kahit nakangiti ako ay hinampas ko sa kanya ang bulaklak ng mahina.

"Hey!That hurts!"bulalas niya.

"Tumigil ka nga!Baby ka ng baby jan baka marinig ka nila!"kunwaring nakangiting wika ko.

"They won't know.Ikaw ang baby ko eh.Actually dalawa kayo!"pambobola niya.

"Sige na nga!Thank you!"sagot ko habang inaamoy ang bulaklak.

"That's for me right?"sabay kuha ng bulaklak sa kamay ko.

Nagulat kaming pareho ni Derick sa kumuha.Ang babaeng kasama nina Cellie.

"Michelle...that's for Athena."naiinis na wika ni Derick.

"Oh come on!Honey... I know you're kidding me again.Her name is Athena?"sabay harap sa akin na nagtataray.

Hindi lang ako umiimik.Hinahayaan ko lang silang mag usap.

"Yes.And she's gonna be my wife soon."sagot ng katabi ko.

Nagulat kaming pareho sa sinabi ni Derick.

"Ano?!"

"What?!"

Halos sabay kaming nagsalita.Napatayo ako at ang babae ay napa atras.

"You heard it right?Now..."sabay kuha ng bulaklak sa kamay ni Michelle.

Kinuha niya ang kamay ko at inilagay ang bulaklak bago lumingon sa kanya.

"You can go back to Chicago."pagpapatuloy niya.

Napangiti ang babae ng napipilitan.

"Na ah!Forgot somethin?Honey... I won't unless... I got what I want!"wika niya at dumaan sa akin na tiningnan ako mula ulo hanggang paa bago kumapit sa balikat ni Derick.

My Typhoon LoveWhere stories live. Discover now