Chapter 5

14 0 0
                                    

Athena's POV

Hindi ko talaga maintindihan kung bakit sa dinami daming paaralan naman ay dito pa ako inilipat ng Tita ko.

Magkasama pa kami sa klase ng gwapong magnanakaw na ito.

In fairness naman sa mukha niya.Ang daming dalaginding na umaaligid sa kanya!

"Yes?"tanong niya sabay taas ng kilay niya sa akin.

"H-ha?"gulat kong tanong sa kanya.Kanina pa pala akong nakatingin sa kaniya.
Napahiya naman ako at umilag.

Pagkatapos ng klase namin ay nagsitakbuhan sa kanya ang mga sosyalin at mga maaarteng babae.

"Derick...would you like to come and eat with me? I can buy you something."wika ng isang babae na may mahaba at kulot na buhok.

"No.Thank you!"pangiting sagot ni Derick sa kanya.

"How about pasyal somewhere honey?I'm sure that you'll like it."sagot naman ng isa sabay sabit ng kamay sa braso niya.

Pinaikot ko lang ang mga mata ko at pinagtitinginan ang mga kaartehan ng mga babaeng iyon.

"Derick! Would you like to go somewhere?"panggagaya ko sa kanila kahit malayo sila.

"Uhmm....sorry girls but....you're totally not my type.Okay?"sagot niya sabay tayo at hinila hila ang T-shirt niyang nalulukot sa mga pinanggagawa ng mga babae.

Binuksan ko ang lunch box ko at inayos ang pagkain ko nang biglang may mukhang nakadikit sa mukha ko.

Natigilan ako at lumingon.

"Ay! Anak ng kabayong pito ang buntot at lima ang ulo!"halos tumilapon ang pagkaing hawak ko nang bigla niya itong kinuha.

"What's this?"tanong niya at naupo sa tabi ko.

"Maghanap ka nga ng sarili mong pagkain!Akin yan!"sabay agaw ng lunch box ko.

Natawa siya ng napakalakas sabay kapa ng tiyan niya.Natigilan ako.

May sira yata ito?May nakakatawa ba?

Nakatingin ako sa kanya na parang hinihintay ko ang sasabihin niya kung bakit siya natawa.

"Yuck!You bring lunch from home?!"tawang tanong niya.

"Oo.Eh ano naman ngayon?May masama ba?"tanong ko sa kanya at isusubo ko na sana ang isang kutsarang kanin ko nang biglang may tumapik ng sa kamay ko.

Tumilapon ang kutsara ko sa sahig.Nagulat ako at sinundan ng tingin ang tumilapon.

Tumingin din ako sa naka heels ng five inches yata at nakapamaywang na babae.

Gulat din si Derick sa ginawa niya at napatayo sa inis.

"Hoy Athena!Hindi mo ba alam na ipinagbabawal ang magdala ng pagkain sa loob ng school na ito?Lalo na ang kumain sa classrooms!"sigaw niya sa akin.May apat na babaeng nasa likuran niya rin.

My Typhoon LoveWhere stories live. Discover now