Chapter 7

4 0 0
                                    

Vitinna's  POV

            Kailangan ko na namang makahanap ng makukupyahan nito.Malapit na ang exam ang hirap talagang makipag kaibigan sa matatalino.

          "Beshie!Dalian mo hinahanap ka ni Athena!Mauubusan na ako ng load!Bilis!"hingal na hingal si Sunshine habang palapit sa akin hawak ang cellphone niya.

           Dali-dali ko rin siyang sinalubong sabay abot ng cellphone niya.

     "B-beshie?"naiiyak kong  sambit.

Nagsidatingan din ang ibang mga kaibigan niya kaya ni loudspeak ko para marinig din niya.

        "Beshie!Kamusta kayo?Miss ko na kayo!"iyak din niya.

        "O-okay lang kami dito.Ikaw?"tanong ko sa kanya at naiyak din ang iba.

        "Ang daya mo!Balita namin mala prinsesa na buhay mo jan!"iyak ni Sunshine.

    "Hindi naman Besh...Sobra ko talaga kayong na miss.Nag aaral ako sa private school ngayon!"pagbabalita ni Athena ngunit hindi masaya ang boses niya.

      "Anong school yan Beshie?Madaming gwapo?"tanong ni Marjorie na parang naeexcite.

      "Hmm...Remedy School ang pangalan ng school ko.Madaming gwapo kaya lang...ang mga nag aaral dito parang mga matapobre."sagot niya.

    Remedy School?

Nagtitinginan kaming apat."Remedy School?Ang school ng mga sossy?Ang tambayan ng mayayamang angkan?!"halos sabay naming tanong sa kanya.

      Medyo napahagikhik siya sa kabilang linya.

     "Oo.Nasa Class A ako guys!Biruin niyo yon?!"bulalas niya sabay tawa.

      "Class A?!Ang pagkakaalam ko million ang tuition ng Class A sa Remedy School ah!Pa'no kang napasok?Bagsak ang grades mo!"nagtatakang tanong ko.

          Mayaman nga talaga ang umampon kah Athena.Masaya ako para sa kanya kasi nakalayo na siya sa mala empyernong mundo niya.
      
           "Si Tita ang nagpapasok sa akin dito.Kapatid daw siya ng mama ko."paliwanag niya.

      "Hey you!"may isang boses ng babae sa kabilang linya na tingin ko ay si Athena ang kinakausap.

            Nakinig lang kaming apat sa kanya."Bakit?"tanong ni Athena sa kanya.

          "I already told you to stay away from Derick right?"mataray na wika nito.

     "Sino si Derick?"halos sabay naming tanong sa kanya.

      Naputol ang tawag.Naubusan yata ng load si Sunshine.

    "Yan!Hindi mo kasi dinagdagan ang load mo!"bulalas ni Marjorie.

   Namaywang si Sunshine at inirapan si Marjorie."Hoy!Ano ka?Naubos na nga ang apat na araw na baon ko dahil jan!"sagot niya.

Nalungkot kami at napabuntong hininga pareho.Mabuti na lang at kahit papano ay nakausap din namin siya.

      "Hoy!Balik na tayo sa klase at kailangan ko pang mangopya guys!Tayo!Bilis!"sigaw ko sa kanila sabay tulak sa mga Ito.

Athena's POV

           "Ano'ng ako?Hindi nga ako tinitigilan ng lalaking yon!"sabay irap sa grupo ni Cellie.

       Tinulak niya ako at dinuro sa noo ko."What do you think you are?Maganda?Na hahabulin ni Derick?Liar!"sigaw niya sa akin habang hawak ako ng dalawang kaibigan niya.

My Typhoon LoveWhere stories live. Discover now