Chapter 8

1 0 0
                                    

Athena's POV

Papasok kami ng bahay ni Derick na nagtatawanan.

"Hi Dey!Seems like you have another woman here?"bati ng isang babaeng hindi rin katandaan.

Natigilan kami at napatingin sa kanya.
"Mom...she's Athena.Evitha's niece."pagpapakilala niya sa akin.

Tumaas ang kilay ng babae at napatingin sa akin mula ulo hanggang paa.

"G-good evening po."bati ko sa kanya kahit nakakahiya.

"Evitha the owner of this village?Good to see you...Athena?"sagot niya na ipinagtataka ko.

"S-si Tita ang may ari ng Hera Village?"tanong ko sa kanila na ipinagtataka din nila.

"You don't know?"tanong ni Derick sa akin at nagkatinginan sila ng mommy niya.

"Hindi.Kararating ko lang din dito.Huli ko lang ding nakilala sina Lola."paliwanag ko sa kanila.

Napatitig ang ina ni Derick sa akin.Para ba'ng binabasa niya ang isip ko.Nakakatakot pala siya.

"That's why!No wonder na hindi ka classy.Well,you two have fun!"habang naglalakad papuntang kusina.

Inakbayan ako ni Derick patungo sa loob ng bahay nila.Nakita ko ang lahat ng mga car collection toys niya sa kwarto.

Maganda ang kulay ng kwarto niya parang chocolate.Hindi ko talaga lubos maisip na ang bahay sa lugar na ito at pagmamay ari ng Tita ko.

Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit Hera ang pangalan ng village na ito.

Kinapa ko ang dibdib ko at naalala ko ang kwentas na bigay ng Lola ko sa akin.

                  Letter H?

Inilabas ko iyon at tinitigang mabuti sabay tingin sa kasama ko na nagtataka rin.

"What was that?"tanong niya sa akin sabay hawak sa kwentas ko.

"H-Hindi ko rin alam pero parang may koneksyon ang kwentas na ito sa pangalan ng village."sagot ko sa kanya.

"Why Hera?"tanong niya ulit sa akin.

Pareho kami ng iniisip.Pero hindi ko na  muna itinuloy sa isip ko baka mabaliw lang ako at magkaroon pa ng problema kay Tita.

"Teka...napansin kong ang dami mong aklat dito.Librarian ka ba?"tanong ko sa kanya.

Napalingon siya sa mga gamit niya at napangiti.

"Baka mainlove ka naman if I will say yes!"sagot niya sa akin na ikinagulat ko.

"Ano ka?"sabay tingin sa kanya.

Gwapo naman siya.Pinagkakaguluhan ng mga babae at maporma.May talino at minsan feeling hero.

         Pwede!In fareness hindi malayo sa type ko!

"Gwapong gwapo ka sa'kin noh?"tanong niya sa akin kaya ako natigilan sa kakatitig sa kanya.

Lumapit siya sa akin sabay kindat na para ba'ng alam niya na ang nasaisip ko.

Halos huminto ang pintig ng puso ko nang ilapit niya pa ang mukha niya sa akin.Napaatras ako at napaupo sa kama ngunit nakasunod pa rin siya sa akin.

Kinabahan ako ng hindi ko alam ang dahilan.

"H-Umalis ka nga!"sabay tulak sa pagmumukha niya.

Hindi ko alam kung kaba ba o galit ang nararamdaman ko.Natawa siyang bigla na ikinainis ko.

Nagdabog ako paalis nang bigla niya akong hatakin pabalik.Napaikot ako nang hilahin niya ako at hinawakan sa baywang sabay hawak sa batok ko.

My Typhoon LoveWhere stories live. Discover now