Athena's POV
Masaya akong nanonood sa kanila kasama si Derick na hawak ang kamay ko.
"Angel ang pangalan niya!Bagay!"wika ni Tita Evitha sa bata.
"Hindi! Ang pangalan na bagay sa kanya ay Diamond!"sagot ng mommy ni Derick.
"Ano?Hindi kaya!Ano'ng akala mo dito sa baby bato?"sigaw ni Tita.
Nag aaway na ang dalawa.Tumataas na ang mga boses nila.
"Wom...do you have any idea?"tanong ni Derick.
Natigilan ang dalawa sa pag aaway at tumingin sa akin.
Napaisip ako saglit.
"Ang gusto ko Fionah Iris..."hindi ko maituloy.
"Rebeca."sambit niya.
Napangiti ako.Napakagandang pangalan ng idinagdag niya.
"Fire?"halos sabay na tanong nina Tita at mommy.
Napangiti kami ni Derick sa isa't isa sabay tango.
Ngayong dumating na si Fire sa amin ay napakasaya ko at pakiramdam ko ay buo ang pamilya ko.
Ipadadama ko ang pagmamahal ng isang ina sa anak na noon ay hindi ko naramdaman.Sa kanya ko ipapakita ang pinapangarap kong pagmamahal at pag aaruga.
Tutulungan ako ni Tita sa pag aalaga at pagpapalaki sa kanya.Lagi naman kaming dadalawin ni Derick sa bahay.
"Athena...ngayong nanganak ka na.Ano'ng balak mong gawin?"tanong ni Tita nang lumapit siya at naupo sa harapan ko habang pinapatulog ko si Fire.
"Tita...a-ano pong ibig niyong sabihin?"tanong ko rin sa kanya.
Napabuntong hininga siya at hinawakan ang kamay ko.
"Ang iniisip ko lang...baka gusto mo nang mag aral kasi kaya naman naming bantayan si Fire."wika niya habang hinahaplos ang paa ng anak ko.
"Tita...hindi po ba masyadong maaga?Maliit pa po si Fire at...gusto ko muna pong alagaan siya."paliwanag ko sa kanya.
Napangiti siya sabay haplos ng buhok ko.
"Naiintindihan kita Athena.Basta kung ano man ang disisyon mo...susuportahan kita.Basta kailangan mo pa ring mag aral para man lang sa kinabukasan ng anak mo.Mommy ka na oh?"nakangiting wika niya.
"Maraming salamat po Tita.Kahit po hindi ko kayo kadugo pakiramdam ko po ay nanay ko kayo.Salamat po."sagot ko.
Tumulo ang luha niya nang sabihin ko iyon.
"Tita...meron po ba akong nasabing masama?Bakit po kayo umiiyak?"tanong ko sa kanya.
Napailing siya at pinunasan ang luha niya.
"Wala.Ikaw kasi nagdrama ka na naman."natatawang sagot niya.
Naisip ko na lang bigla si mama sa probinsya.
Kumusta na kaya siya?Ano kaya ang sasabihin niya kapag nalaman niyang nagkaanak ako?
Kahit sino sa probinsya ay walang nakakaalam na nabuntis ako at nanganak.Kahit mga kaibigan ko.
Derick's POV
I was rushing to go home when my classmates called me.
"Bro!Hindi ka na ba talaga sasali sa basketball?We have a game next week di ba?"Baron asked me.
"I'm sorry I can't.Busy kasi ako these days.I have a family visitors at my house."I explained.
They don't know about Athena's baby.They thought Athena moved to another school.
YOU ARE READING
My Typhoon Love
FanfictionPagkatapos ng lahat ng gulong dinanas ng kapatid ni Hera ay hinding hindi niya mapapatawad ang angkan ng nagwasak sa buhay niya.She will do everything to make them feel what she felt before. Derick needs an explainations for what Athena did t...