Athena's POV
"Beshie!"sigaw ni Sunshine sa akin.
Nagulat ako sa kanya.Kanina pa akong tulala at nasa malayo ang isip ko.
"H-ha?"tanong ko lang.
May itinuturo siya sa isang folder.Siguro ay assignment iyon.
Tiningnan ko ang papel at transfer slip ang nakalagay doon.
"Beshie...hindi na siguro ako magtatagal dito."wika ko sa kanila.
"Alam namin..."malungkot na sagot nila.
"Ha?"nagtatakang tanong ko at tiningnan sila.
Hawak nila ang form.Malamang ay nabasa nga nila ito.
"Nakakalungkot Besh...pero napakasaya namin para sa'yo."naluluhang sagot ni Miranda.
"Alam niyo rin na ipamimigay ako ng pamilya ko?"naiiyak kong tanong.
"May taong deserve ang pagmamahal at kaligayan kasama ka Beshie."sagot ni Vitinna.
Niyakap ko sila kahit hindi ko man masyadong maisip kung ano ang ibig sabihin ng mga katagang iyon.
Ang bilis nga naman ng balita at ang sakit talaga na parang wala akong mapagtaguan.
"Ayokong kalimutan niyo ako ha?"bilin ko sa kanila.
Nagtawanan kaming lahat ngunit naluluha.
Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin sa Manila kasama ang lola ko.
Pero hindi ko rin alam kung anong gagawin ko sa mga nangyayari sa akin.
Nasasaktan ang buong pamilya ko ngunit pinapaalis nila ako.
Ilang araw na rin kaming hindi nag uusap ng ina ko.Ang lola ko naman ay ginagawa ang lahat para bumawi at ipakita sa akin ang pagmamahal.
"Apo..."wika ng isang boses sa likuran ko.
Napalingon ako sa kanya.
"Kailangan na nating umalis Hija..."sabi niya habang inaabot ang kamay sa akin.
Nagulat ako sa sinabi niya.
Huh?Ibig sabihin ba nito ay huling araw ko na lang pala dito?Kailangan na pala naming umalis?Bakit ang bilis naman yata?
Mas mabuti na nga rin siguro na umalis na ako para hindi na ako mahirapan pa ng sobra.
Iniabot ko ang kamay niya at tumingin sa mga kaibigan ko na naiiyak.
Hindi na niya pinadala ang mga gamit ko.Isang kahon lang at may necklace ang iniabot niya sa akin.
Panahon na siguro upang kalimutan ko ang lahat ng sakit na nadarama ko sa piling ng aking pamilya.
Hera?
Ito ang nakasulat sa necklace na iniabot sa akin ng lola ko.
YOU ARE READING
My Typhoon Love
FanficPagkatapos ng lahat ng gulong dinanas ng kapatid ni Hera ay hinding hindi niya mapapatawad ang angkan ng nagwasak sa buhay niya.She will do everything to make them feel what she felt before. Derick needs an explainations for what Athena did t...